Karpiyo
Ang kurpyo, karpiyo[1] (Ingles: curfew) o oras ng pagsasara[2]ay isang kautusan na nagpapataw ng ilang mga regulasyon sa mga tinukoy na oras.[3] Karaniwan, nag-uutos ang mga karpiyo sa lahat ng taong apektado ng mga ito na manatili sa loob ng bahay sa mga oras ng gabi.[4][5] Ang ganitong kautusan ay kadalasang ibinibigay ng mga pampublikong awtoridad, subalit maaari ding ibigay ng may-ari ng bahay sa mga nakatira sa sambahayan. Halimbawa, madalas na binibigyan ang mga bata ng karpiyo ng kanilang mga magulang, at ang isang au pair (o isang indibiduwal na nagtatrabaho para, at nakatira bilang bahagi ng, isang pamilyang kumukupkop) ay tradisyonal na binibigyan ng karpiyo kung kailan siya dapat bumalik sa bahay ng kanyang pamilyang kumupkop. Ang ilang mga hurisdiksyon ay may mga karpiyong pambata na nakakaapekto sa lahat ng tao sa ilalim ng isang partikular na edad na hindi sinamahan ng isang nasa hustong gulang o nakikibahagi sa ilang partikular na naaprubahang aktibidad.
Ginamit ang mga curfew bilang paraan ng pagkontrol sa batas militar, gayundin para sa kaligtasan ng publiko sakaling magkaroon ng sakuna, epidemya, o krisis.[6] Ang iba't ibang bansa ay nagpatupad ng mga naturang hakbang sa buong kasaysayan, kabilang ang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Digmaan sa Golpo. Napag-alaman na ang pagpapatupad ng mga karpiyo ay hindi pantay na nakakaapekto sa mga pangkat na nasa laylayan, kabilang ang mga walang tirahan o may limitadong opsyon sa transportasyon.[7][8]
Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, ipinatupad ang mga kurpyo sa ilang bansa, kabilang ang Pransya, Italya, Polonya at Australya, bilang isang hakbang upang limitahan ang pagkalat ng bayrus.[9][10] Gayunpaman, ang mga kamakailang pag-aaral ay nag-ulat ng bale-wala o walang epekto ang karpiyo,[11] at may potensyal pa na pagtaas sa paghahatid ng bayrus.[12] Ang paggamit at pagpapatupad ng mga karpiyo sa panahon ng pandemya ay nauugnay sa mga paglabag sa karapatang pantao at pagkasira ng kalusugang pangkaisipan, na lalong nagpapakumplikado sa kanilang paggamit bilang isang panukalang kontrol.[13][14] Maaari ding makaapekto ang mga karpiyo sa kaligtasan sa kalsada, dahil ang mga pag-aaral ay nagpapahiwatig ng potensyal na pagbaba ng mga pagbundol sa oras ng karpiyo subalit pagtaas ng mga pagbundol bago ang karpiyo dahil sa pagmamadali.
Karpiyo sa Piipinas
baguhinNoong 1565, dumating sa Cebu ang mananakop na Kastila na si Miguel López de Legazpi upang kolonihin ang mga pulo na tatawaging Pilipinas sa kalaunan. Nagtayo si Legazpi ng isang kuta at nagpatupad ng karpiyo para sa mga pumapasok dito sa gabi, na binanggit ang mga alalahanin na "nagpatutot ang mga babae sa kanilang sarili sa kampo."[15] Noong panahon ng kolonisasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas sa pagpasok ng ika-19 na dantaon, sumailalim ang Maynila sa "Kautusang Karpiyo" na nag-aatas sa kanila na huwag lumabas ng kanilang mga bahay pagkalipas ng 7:00 ng gabi, at nang maglaon ay nagbago ang paghihigpit sa 8:30 ng gabi, pagkatapos ay hanggang 10:00 ng gabi, pagkatapos ay hanggang 11:00 ng gabi, at sa wakas ay binawi noong 1901.[16]
Noong Setyembre 22, 1972, ang araw pagkatapos idineklara ng noo'y Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar, naglabas siya ng Pangkalahatang Kautusan Blg. 4, na nag-uutos ng karpiyo mula hatinggabi hanggang 4:00 ng umaga, at aarestuhin ang sinumang lalabag sa karpiyo na ito at dadalhin sa kustodiya.[17] Noong Disyembre 1972, tinanggal ni Marcos ang karpiyo ng may kondisyon,[18] at noong 1977, inihayag niya ang kumpletong pag-alis ng karpiyo bilang bahagi ng pagsisikap na mapagaan ang mga paghihigpit na ipinataw sa panahon ng batas militar.[19] Ang pangunahing layunin ng curfew ay bawasan ang krimen, bukod sa iba pang dahilan.[20]
Noong Mayo 23, 2017, idineklara ng noo'y Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa buong pangkat ng pulo ng Mindanao bilang tugon sa pagkubkob sa Marawi, at may mga karpiyo ang nakakabit sa proklamasyon.[21][22] 129 na lugar sa Mindanao ang nagkaroon ng karpiyo noong 2017.[23] Matapos manalo sa halalang pampanguluhan noong 2016 at bago simulan ang kanyang termino, iminungkahi ni Duterte ang isang buong bansang karpiyo para sa mga menor de edad.[24]
Nagkaroon ng mga lokal na ordinansa tungkol sa karpiyo para sa mga menor de edad sa ilang mga lungsod at bayan[25][26] subalit walang batas para sa buong bansa. Ang Artikulo 129 ng Utos Pampanguloe 603 noong 1974 ay nagpapahintulot sa mga konsehal panlungsod o pambayan na magpatupad ng "mga oras ng karpiyo para sa mga bata na maaaring hinihingi ng mga lokal na kondisyon."[27] Noong 2022, isang panukalang batas ang ipinakilala sa Kapulungan ng mga Kinatawan upang magpatupad ng karpiyo sa buong bansa.[28] Gayunpaman, nakabinbin ang panukalang batas sa Komite sa Kapakanan ng mga Bata mula pa noong Hulyo 2022.[29]
Ang karpiyo para sa mga menor de edad sa Pilipinas ay isang pinagtatalunang paksa. Nangangatwiran ang pabor na magtataguyod ang mga karpiyo ng kaligtasan at kapakanan ng mga bata, habang sinasabi ng mga laban sa karpiyo na lumalabag sa karapatan ng mga bata na maglakbay sa kanilang paligid at karapatan ng kanilang mga magulang na alagaan sila.[30] Noong 2017, nagpasya ang Korte Suprema ng Pilipinas sa konstitusyonalidad ng ilan sa mga lokal na ordinansang ito matapos magsampa ng kaso ang isang grupo. Pinagtibay ng mataas na hukuman ang karpiyo para sa mga menor de edad sa Lungsod Quezon subalit hindi suportado ang mga karpiyo na ipinatupad sa Maynila at Navotas.[30]
Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, ilang lugar sa Pilipinas ang nagpatupad ng mga karpiyo, kabilang ang Kalakhang Maynila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu, at Cagayan de Oro.[31][32][33]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Curfew in Tagalog". www.tagalog.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-29.
- ↑ "Curfew, closing-hour". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 48. (sa Ingles)
- ↑ "Curfew Definition & Meaning". Dictionary.com (sa wikang Ingles). 2023. Nakuha noong 2023-05-03.
- ↑ "Definition of curfew". Oxford Dictionaries (sa wikang Ingles). 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hulyo 2012.
- ↑ Hudson, David L. Jr. (2020-06-03) [originally published 2009]. "Curfews". The First Amendment Encyclopedia (sa wikang Ingles).
- ↑ "Curfew Laws". FindLaw (sa wikang Ingles).
- ↑ Brass, Paul R. (2006). "Collective Violence, Human Rights, and the Politics of Curfew". Journal of Human Rights (sa wikang Ingles). 5 (3): 323–340. doi:10.1080/14754830600812324.
- ↑ Lerner, Kira (2020-06-10). "The Toll That Curfews Have Taken on Homeless Americans". The Appeal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-18.
- ↑ Daventry, Michael (24 Oktubre 2020). "Curfews and restrictions imposed across Europe as COVID-19 cases soar". Euronews (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Abril 2023.
- ↑ Wood, Patrick (2020-08-06). "Why did Melbourne impose a curfew? It's not entirely clear". ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-07.
- ↑ de Haas, Samuel; Götz, Georg; Heim, Sven (2022). "Measuring the effect of COVID-19-related night curfews in a bundled intervention within Germany". Scientific Reports (sa wikang Ingles). 12 (1). Springer Nature: 19732. Bibcode:2022NatSR..1219732D. doi:10.1038/s41598-022-24086-9. PMC 9669542. PMID 36396710.
- ↑ Sprengholz, Philipp; Siegers, Regina; Goldhahn, Laura; Eitze, Sarah; Betsch, Cornelia (2021). "Good night: Experimental evidence that nighttime curfews may fuel disease dynamics by increasing contact density". Social Science & Medicine (sa wikang Ingles). 288: 114324. doi:10.1016/j.socscimed.2021.114324. PMC 8426215. PMID 34419633.
- ↑ "Philippines: Curfew Violators Abused". Human Rights Watch (sa wikang Ingles). 26 Marso 2020. Nakuha noong 18 Abril 2023.
- ↑ Almomani, Ensaf Y.; Qablan, Ahmad M.; Almomany, Abbas M.; Atrooz, Fatin Y. (2021). "The coping strategies followed by university students to mitigate the COVID-19 quarantine psychological impact". Curr Psychol (sa wikang Ingles). 40 (11): 5772–5781. doi:10.1007/s12144-021-01833-1. ISSN 1046-1310. PMC 8106545. PMID 33994758.
- ↑ Bonnet, François-Xavier (2017-05-04). "From Oripun to the Yapayuki-San: An Historical Outline of Prostitution in the Philippines". Moussons. Recherche en sciences humaines sur l’Asie du Sud-Est (sa wikang Ingles) (29): 41–64. doi:10.4000/moussons.3755. ISSN 1620-3224.
- ↑ Davis, George W. (1901). Report on the Military Government of the City of Manila, P.I., from 1898 to 1901 (sa wikang Ingles). Headquarters Division of the Philippines. p. 9.
- ↑ "What If We Told You Today: Curfew Has Been Imposed in All Parts of the PH". Esquiremag.ph (sa wikang Ingles). 2018-09-21. Nakuha noong 2024-12-30.
- ↑ "Marcos Said to Approve Some Easing of Curfew". The New York Times (sa wikang Ingles). 1972-12-04. Nakuha noong 2024-12-29.
- ↑ "22 August: Suspension of the Writ of Habeas Corpus (1971) and Lifting of Nightly Curfew and Travel Ban (1977)". Liberal Party of the Philippines (sa wikang Ingles). 2017-08-22. Nakuha noong 2024-12-30.
- ↑ "Martial Law's Nightly Curfew Was Lifted August 22, 1977". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2011-08-22. Nakuha noong 2024-12-30.
- ↑ "Duterte declares martial law in Mindanao". Philstar.com (sa wikang Ingles). 2017-05-23. Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ Jennings, Ralph (2017-12-13). "Filipinos Find Gains, No Pain Under Martial Law". Voice of America (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ "Philippines' Duterte planning curfews on children, alcohol: Aide". The Straits Times (sa wikang Ingles). 2016-05-10. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-12. Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ Ranada, Pia (2016-05-16). "Duterte: Curfew for minors in, late-night karaoke out". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ "ORDINANCE No. 8046 – City Council of Manila" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ "Ordinance No. 2491 - Sangguniang Panlungsod, City of Davao" (PDF). www.iccwtnispcanarc.org (sa wikang Ingles).
- ↑ "P.D. No. 603". lawphil.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ "House bill seeks 10 p.m. national curfew for minors". Philstar.com (sa wikang Ingles). 2022-08-07. Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ "House Bill No. 1016, 19th Congress | Senate of the Philippines Legislative Reference Bureau". issuances-library.senate.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ 30.0 30.1 Divina, Nilo (2023-12-21). "Constitutionality of curfew for minors". Daily Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ "Philippines to expand Covid curbs beyond capital amid surge". Bangkok Post (sa wikang Ingles). 2021-03-21. Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ Saavedra, John Rey (2020-03-15). "Cebu imposes curfew, strict travel control". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-31.
- ↑ Rosauro, Ryan D. (2021-11-05). "Curfew shortened in Cagayan de Oro as virus threat eases". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-31.