Kuwadrilateral
Ang kuwadrilateral o apatang-gilid ang tawag sa mga hugis na may apat na gilid at apat na sulok. Hango ang salitong ito sa Latin na salita, quadrilaterus: quadri- na nangangahulugang "apat", at lateris o gilid. 1 Maliban kung ito ay sadyang babanggitin, ang bawat sulok ng kuwadrilateral ay nasa iisang antas lamang. Ang pinagsama-samang sukat ng mga anggulo sa bawat sulok ng kuwadrilateral ay laging may halagang 360°.
Mga natatanging tipo ng kuwadrilateral
baguhin- Paralelogram ang tawag sa kuwadrilateral na kung saan ang bawat paris ng magkatapat na gilid ay magkahaba at magkabalalay.
- Parihaba: Tipo ng paralelogram na may anggulong may sukat na 90° sa bawat sulok. Hindi kinakailangang magkahaba ang bawat paris ng magkatapat na gilid.
- Rombo: Magkapareho ng haba ang bawat gilid ng rombo. Ang bawat paris ng magkatapat na gilid ay magkabalalay at ang magkatapat na sulok ay magkapareho ng sukat ng anggulo. Kapag gumuhit ng mga linya pahiris sa loob ng rombo, ang pinagkurusan ay mga anggulo na may sukat na 90°.
- Parisukat: Espesyal na uri ng rombo. Kapag ang lahat ng anggulo ng rombo ay may sukat na 90°, ito ay tinatawag ng parisukat. Magkabalalay ang magkatapatan na gilid at lahat ng gilid ay magkahaba.
Iba pang mga uri ng kuwadrilateral
baguhin- Trapesoid o Trapesiyo: Kuwadrilateral na may isang paris ng magkatapat na gilid na magkabalalay. Kapag regular ang isang trapesiyo, magkahaba ang dalawang gilid na hindi magkabalalay at ang dalawang sulok sa ibaba ay magkasukat.
- Saranggola: Magkasukat ang paris ng dalawang magkatabing gilid. Ang anggulo sa gitna ng dalawang hindi magkahabang gilid ay kasinlaki ng anggulo sa tapat nito (sa pagitan ng dalawa pang hindi magkahabang gilid). Ang pinagkurusan ng pahiris na mga linya ay mga anggulo na may sukat na 90° at hinahati ng isang hiris na linya ang isa pang hiris na linya sa kalahati, at bisebersa.
Mga sanggunian
baguhin- Diksiyonaryo ng Etimolohiya sa Web
- Kuwadrilateral mula sa Wolfram MathWorld
- Matematika para sa ika-pitong baitang
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.