Ang Lögberg, o Batong Batas, ay isang mabatong aploramiyento sa timog-kanlurang Islandiya sa lokasyong pampulong ng Parlamentong Althing ng bansa. Natipon ang orihinal na Althing sa Þingvellir,[1] isang lugar ng mga dramatikong tanawin na madaling mapuntahan mula sa mga populadong lugar ng timog-kanluran.[2]

Paglalarwaan mula sa ika-19 siglo ng Batong Batas sa Þingvellir.
Ang pook ng Batong Batas sa modernong Þingvellir.
Panoramang panghimpapawid ng Alþingi Lögberg na kinunan noong Hunyo 2017

Hindi alam ang tiyak na lokasyon ng Lögberg, dahil sa pagbabago ng heograpiya ng lambak-awang sa loob ng higit sa 1000 taon.[3] Dalawang posibleng lokasyon ang naipanukala sa Þingvellir, isa sa isang patag na gulod sa tuktok ng dalisdis na pinangalanang Hallurinn (kasalukuyang minarkahan ng isang tagdan-bandila), ang isa pa sa palya ng Almannagjá labag sa isang pader ng bato.[1] Naimungkahi bilang mainam ang isang pook sa bangin ng Hestagjá.[2]

Ang Lögberg ay ang lugar kung saan umupo ang Mambabatas (lögsögumaður) bilang namumunong opisyal ng pagpupulong ng Althing. Ginawa mula sa lugar ang mga talumpati at mga anunsyo.[3] Maaaring ibahagi ng sinumang dumalo ang kanilang argumento mula sa Lögberg. Natipon-tipon at nabuwag-buwag ang mga pulong mula rito.[1]

Naisakatuparan ng Lögberg ang layunin nito mula noong pagbuo ng parliyamento noong 930. Tumigil ang paggamit nito noong 1262 nang nangako ng katapatan ang Islandiya sa Noruwega.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "The Law Rock: Lögberg". Thingvellir.is. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-17. Nakuha noong 2012-09-12. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Short, William R. (2010). Icelanders in the Viking Age: The People of the Sagas. Jefferson, North Carolina: McFarland & Company. pp. 23–24.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Short, William R. (2010). Icelanders in the Viking Age: The People of the Sagas. Jefferson, North Carolina: McFarland & Company. pp. 26–27.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)