Labanan sa Trafalgar

(Idinirekta mula sa Labanan ng Trafalgar)

Ang Labanan sa Trafalgar ay isang labanang naganap sa dagat noong 21 Oktubre 1805 sa pagitan ng mga hukbong pandagat ng Pransiya at ng Espanya sa isang gilid, at ng Gran Britanya sa isa pang gilid. Nangyari ang labanan na malapit sa Kabo Trafalgar (ang "kabo" ay ang lungos o "kapa" na isang piraso ng lupain na nakaungos sa dagat, parang tangos), na nasa timog-kanluran ng Espanya. Nagwakas ang labanan na mayroong malinaw na pananagumpay ang mga puwersang Britaniko. Dahil dito, ang Britanya ay naging ang pinakamalaking kapangyarihan o lakas na pandagat sa mundo sa loob ng 100 mga taon. Ang Labanan sa Trafalgar ay naging pinakamalaking labanan sa dagat noong ika-19 daantaon.

Ang Labanan sa Trafalgar, na ipininta ni J.M.W. Turner noong 1806-1808.

Bago maganap ang labanan

baguhin

May ilang panahon nang nagdidigmaan ang Pransiya at ang Britanya. Nabuo ng Pransiya ang pinakamalakas na hukbo sa Europa, at nakontrol nito ang karamihan sa mga lupain. Dahil sa isang pulo ang Britanya, nakapagtatag ang Britanya ng isang malakas na hukbong pandagat, at ginamit ito upang subukang maiwasang makaalis ang mga barkong Pranses mula sa kanilang mga daungan. Tinatawag itong isang "harang". Dahil sa nais ng pinunong Pranses na si Napoleon Bonaparte na lusubin at mabihag ang Britanya, alam niyang dapat niyang mapalubog muna ang mga hukbong Britaniko, kung hindi magagawa ng Britanya na maiwasan ang paglapag o pagdaong ng mga hukbong katihan ni Bonaparte.

Nalalaman ng mga Britaniko na susubukin ng Pransiyang lusubin sila, at naglagay sila ng mga bapor sa labas ng mahahalagang mga daungan ng Pransiya, katulad ng Toulon. Ang admiral na nananagot sa pulutong ng mga barko ng Britanya ay ang Panginoong si Horatio Nelson. Naging bantog siya sa Britanya dahil sa kaniyang mga pananagumpay laban sa Pranses, katulad ng Labanan sa Nilo noong 1798.

Subalit nagawa ng mga Pranses na maiwasan ang pulutong ng mga barko ni Nelson at nakaalis sila magmula sa Toulon habang mayroong isang bagyo, at nagawa nilang makipagtagpo sa isang pangkat ng mga barkong Kastila. Noong panahong iyon, ang Espanya ay isang kakampi ng Pransiya. Ang maliit na pulutong na ito ng mga sasakyang dagat ay nakapaglayag sa Kanlurang Kaindiyahan, at nagbalik mula sa kahabaan ng Karagatang Atlantiko papunta sa puwerto ng Cadiz. Nais nilang sumanib sa mas marami pang mga barkong Pranses upang makabuo ng mas malakas na pulutong ng mga barko. Tinugis sila ng mga Britaniko sa dalawang mga landas sa kahabaan ng karagatan.

Ang labanan

baguhin

Pagdaka, nalaman ng mga Pranses na ang ilan sa mga barkong Britaniko ay namataan sa Gibraltar, at naisip nila na nangangahulugang ang pulutong ng mga barko ng Britanya ay hindi kasinglakas kung ihahambing sa dati. Kung kaya't nagpasya silang ito ang pinakamainam na oras upang lisanin ang Cadiz. Noong sumunod na araw, 33 mga bapor mula sa pulutong ng mga Pranses at mga Kastila ang nakatagpo ng 27 mga barko ng Britanya[1] Inilagay ni Nelson ang kaniyang mga barko sa dalawang mga linya. Bago magsimula ang labanan, nagpadala siya ng isang mensahe na magiging bantog: "Inaasahan ng Inglatera na gagawin ng bawat isang tao ang kaniyang katungkulan."[1] Naglayag ang dalawang mga guhit ng barkong Britaniko sa linya ng mga Pranses at ng mga Kastila, na nakapaghati rito, at nakapagsanhi ng malaking pinsala sa mga bapor nito.

Subalit, si Almirante Nelson, na nakasakay sa kaniyang barkong HMS Victory, ay natamaan ng isang bala ng musketang pinaputok ng isang sniper (isang mamamaril na nakatago) na nagmumula sa barkong Pranses na Redoutable.[1][2] Pumasok ang bala sa kaniyang balikat, nagpunta sa kaniyang baga at lumagak sa loob ng kaniyang gulugod.[2] Dinala siya sa ilalim ng palapag o kubyerta at namatay sa paglaon, bago sumapit ang ika-4:30 ng hapon, habang patigil na ang labanan.[2] Nawalan ng 22 mga bapor ang mga Pranses at ang mga Kastila. Walang nawalang barko sa parte ng mga Britaniko.

Pagkatapos ng labanan

baguhin

Dahil sa hindi nagawang lusubin ng Pransiya ang Britanya, ang mga sundalong Britaniko ay nagawang makipaglaban sa kontinente ng Europa, na kapiling ng mga hukbong panlupa ng iba pang mga bansa, laban sa mga hukbong panlupa ni Napoleon. Sa wakas, nagapi din si Napoleon noong 1815, doon sa Labanan sa Waterloo. Sapagkat natatabanan ng mga Britaniko ang mga dagat, nagawa ng Britanya na makabuo ng isang malaking imperyo noong sumunod na mga taon at ang hukbong pandagat nito ay naging dating pinakamalaki sa loob ng isandaang mga taon. Ang bangkay ni Nelson ay dinalang pabalik sa Gran Britanya at binigyan siya ng isang libing na pambayani. Noong 1843, ang bantog na Liwasang Trafalgar at Kolumna ni Nelson ay itinayo sa Londres upang parangalan si Nelson.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Iggulden, Hal; Iggulden, Conn. The Dangerous Book for Boys (2006), pp. 154 - 158. HarperCollins Publishers.
  2. 2.0 2.1 2.2 Lambert, Andrew (2011-02-17). "The Battle of Trafalgar". BBC.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)