Labanan ng Tres de Abril
Ang Labanan ng Tres de Abril (Sebwano: Gubat sa Ikatulo sa Abril, Kastila: Batalla del Tres de Abril) ay naganap noong ika-3 ng Abril 1898 noong panahon ng Himagsikang Pilipino. Ito ay naganap sa lungsod ng Cebu at ang mga karatig-bayan nito sa kabuuang pulo ng Cebu.
Labanan ng Tres de Abri Paghihimagsik ng Cebu | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Himagsikang Pilipino | |||||||||
Mga pangyayari sa Pulo ng Cebu noong Abr 3-5 1898. | |||||||||
| |||||||||
Mga nakipagdigma | |||||||||
Katipunan | Imperyong Espanya | ||||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||||
| Fernando Primo de Rivera | ||||||||
Lakas | |||||||||
5,000 na mga katipunero |
500 cazadores 1 bapor kanyonero 1 krusero |
Labanan
baguhinNoong 5 AM ng ika-4 ng Abril, napaalis ng mga rebolusyonaryo ang Kastilang gobernador na si Heneral Montero, at ang mga Kastilang boluntaryo papuntang Kuta San Pedro at nakontrol nila ang lungsod ng Cebu. Pagkatapos ay napalaya nila ang Baryo ng Carcar noong Abril 5.
Nung nagpasabog ang bapor kanyonero ng Maria Cristina, nagsilikas ang mga rebolusyonaryo papunta sa Tsinong kwarter ng Lutao. Noong ika-7 ng Abril, 500 na katao ng pang-73 Rehimentong Katutubo at ang mga Kastilang cazadores ay nagsidatingan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Tejeiro, at kasama ang kruserong Don Juan de Austria, kaya nagsilikas at napadpad ang mga rebolusyonaryo sa San Nicolas. Nagpatuloy ang paghahagilap ng mga hinihingal na mga Kastila sa mga rebelde sa kabundukan simula ika-8 ng Abril.
Kalalabasan
baguhinPinatay si Leon Kilat ng kanyang aide-de-camp, si Apolinario Alcuitas, noong Abril 8, 1898. Nagsi-alisan ang mga rebelde sa lungsod pagkatapos ng kanyang pagkapanaw. Ngunit ang kanyang mga heneral, tulad ni Heneral Maxilom, ay nagwagi sa pagpapalaya ng mga lungsod ng Toledo at Balamban. Mapapasa-ilalim rin ang mga lungsod ng Tuburan (Abril 16) at Bogo (Okt 19 noong naganap ang Labanan sa Bogo) kalaunan, hanggang sa paglayas ng mga Kastila noong Disyembre 26, 1898 at ang pagpapalaya sa buong kapuluan sa sumunod na araw.
May isang monumento ng paggunita para kay Leon Kilat sa Kilat Street sa Lungsod ng Cebu para sa tatlong araw ng pagpapalaya sa Lungsod ng Cebu.