Labanan ng Hastings

(Idinirekta mula sa Labanan sa Hastings)

Ang Labanan ng Hastings o Labanan sa Hastings (Ingles: Battle of Hastings) ay nangyari noong Oktubre 14, 1066. Ito ang tagumpay ng mga Normando na nagbigay-daan sa Kongkistang Normando ng Inglatera, na pinaglabanan sa pagitan ng hukbong Normando ni Duke Guillermo II ng Normandia at ng hukbong Ingles ni Haring Harold II.[1] Ang labanan ay ginanap sa Burol ng Senlac, humigit-kumulang na 6 milya sa hilagang-kanluran ng Hastings, malapit sa kasalukuyang lungsod ng Battle, Silangang Sussex.

Ang Labanan ng Hastings, ni Philip James de Loutherbourg (1740-1812).

Si Harold II ay napatay sa labanan - ang alamat ay natusok ang kaniyang mata ng isang sibat. Kahit na mayroong pagtutol ang mga Ingles sa mga sumunod na panahon, ang labanang ito ay nagtaguyod sa pagkakaroon ni Guillermo ng kapangyarihan sa Inglatera,[2] at sa gayon siya ay naging unang pinunong Normando nito bilang Haring Guillermo I.

Ang bantog na Burda ng Bayeux ay naglalarawan sa mga pangyayari bago at habang umiiral ang labanan. Ang Abadiya ng Battle sa Silangang Sussex ay itinayo sa lupa na kung saan ginanap ang labanan.

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sa artikulong ito, ang mga petsang bago mag ika-14 ng Setyembre 1752 ay sa Kalendaryong Hulyano; ang mga sumunod na petsa ay sa Kalendaryong Gregoryo.
  2. Paul K. Davis, 100 Decisive Battles from Ancient Times to the Present: The World's Major Battles and How They Shaped History (Oxford: Oxford University Press, 1999), 113.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Digmaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.