Guillermo na Mananakop

(Idinirekta mula sa William na Mananakop)

Si Guillermo na Mananakop, Guillermong Kongkistador at Guillermo I ng Inglatera (bandang 1027 - 9 Setyembre 1087), kilala rin bilang William ang Mananakop o William I ng Inglatera, ay isang Hari ng Inglatera magmula 1066 hanggang 1087. Ipinanganak siya sa Falaise na nasa Normandy, Pransiya. Naging Duke siya ng Normandy noong 1047 nang manalo siya sa isang labanan sa Caen. Noong 1050 o 1051, pinakasalan niya ang kanyang pinsang si Matilda ng Flanders. Naging Hari siya ng Inglatera pagkarang lusubin niya ang Inglatera at nagwagi sa Labanan sa Hastings noong 1066 laban kay Haring Harold II ng Inglatera. Ang mga Norman ang naging mga hari at poon (panginoon) ng mga Anglo-Sakson subalit nananatiling katulad ng dati ang mga pangkaraniwang mga tao. Pagkaraan niyang maging hari, pinasulat niya sa kanyang mga tagapaglingkod ang Aklat ng Domesday na nagtatala ng lahat ng mga lupain sa kanyang bagong kaharian, kung sino ang nagmamay-ari ng mga ito, at kung magkano ang halaga ng mga ito. Natapos noong 1086. Namatay si William habang nasa Rouen, Pransiya dahil sa mga sugat na natamo niya pagkaraang mahulog mula sa isang kabayo. Pinalitan siya bilang hari ng kanyang anak na si William II ng Inglatera (Guillermo II ng Inglatera).

Ang Duke ng Normandia, sa Burda ng Bayeux.

Tingnan din

baguhin


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Inglatera at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.