Labanan sa Yultong
Ang Labanan sa Yultong (Koreano : 율동 전투, Ingles : Battle of Yultong), [1] na kilala rin bilang Labanan ng Meiluodong (Tsino: 美罗洞战斗; pinyin: Měiluódòng Zhàndòu), Labanan ng Yuldong, o Labanan ng Yuldong-ri, ay isang labanan sa Digmaang Koreano. Nagsiklab ang labanan sa pagitan ng ilang elemento ng ika-34 na Boluntaryong Hukbo ng mga Tsino (ika-44 na Dibisyon mula sa mga sangguniang Tsino)[2] at ng Pilipino ika-10 Batalyong Koponang Panlaban (Battalion Combat Team o BCT), sa hilaga ng Yeoncheon noong Abril 22 – 23, 1951.[1] Bahagi ang labanan ng Opensibang Tsino sa Tagsibol.
Naunang pangyayari
baguhinNakakabit ang ika-10 BCT ng Pilipinas sa ika-3 Impanteryang Dibisyon ng Estados Unidos noong panahon ng opensiba. Inisyal na binbuo ng 1,367 tropa,[3] nabawasan ang batalyon sa 900 indibiduwal dahil sa mga pinsala at namatay.[4][5] Para makapaghanda sa papasok ng opensibong Tsino, ipinakalat ng ika-65 Rehimyentong Impanterya ng Estados Unidos ang ika-3 at ika-2 Batalyon, na nakaharap sa kanluran at hilagang-kanluran, ayon sa pagkakabanggit, sa may Ilog Imjin, habang namalagi ang nakakabit na ika-10 BCT sa kanang gilid ng rehimente malapit sa Ruta 33. Naroon lamang sa silangan ng Pilipinong yunit ang Brigadang Turko.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Chae, Chung & Yang 2001.
- ↑ Chinese Military Science Academy 2000.
- ↑ Thomas, Abbott & Chappell 1986, p. 21.
- ↑ Pobre 2000, p. 443.
- ↑ Pobre 2012, p. 176.
- ↑ Villahermosa 2009, p. 123.