Labia majora
Ang labia majora (isahan: labium majus, literal na "malaking labi") ay ang dalawang kitang-kitang longhitudinal na mga luping kutanyo (lupi ng balat o lupi ng kutis) na umaabot pababa at palikod magmula sa mons pubis papunta sa perineum at bumubuo ng panggilid na mga hangganan ng hating pampudendum, na naglalaman ng labia minora, ukang interlabial (ukang papasok sa labi), pindong na pantinggil, dulo ng tinggil (clitoral glans), frenulum clitoridis, ang guhit ni Hart, at ang bestibulong bulbal, na naglalaman ng panlabas na mga awang ng uretra at ng bahina.
Labia majora | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | labium majus pudendi |
Tagapagpauna | Pamamaga ng ari |
Malalim na panlabas na arteryang pampudendum | |
Perineal na mga sanga ng panlikurang pemoral na nerbyong kutanyo | |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1265 |
Dorlands /Elsevier | Labia majora |
TA | A09.2.01.003 |
FMA | 20367 |
Bawat isang labium majus ay mayroong dalawang mga kalatagan, isang panlabas, na may pigmento at natatakpan ng matigas at malutong na mga buhok; at ang panloob, makinis at lipos ng malalaking mga polikulang sebasyo (may taba). Sa pagitan ng dalawa ay mayroong isang marami-raming bilang ng mga tisyung areolar, taba, at isang tisyung kahawig ng dartos tunic ng eskroto, bukod pa sa mga sisidlan (mga vessel), mga nerb, at mga glandula. Mas makakapal ang labia majora sa harap, kung saan nabubuo sila sa pamamagitan ng pagsalubong sa anteryor na komisyur ng labia majora. Sa likuran, hindi talaga sila magkahugpong, subalit lumilitaw na parang nawala sa kanunugnog na integumento, na nagtatapos na malapit sa - at halos na pantay sa isa't isa. Kasama ng mga nagkukunektang mga balat sa pagitan nila, binubuo nila ang posteryor na komisyur ng labia majora o panlikod na hangganan ng pudendum. Ang puwang sa pagitan ng posteryor na komisyur ng labia majora at ng butas ng puwit, mula 2.5 hanggang 3 sentimetro ang haba, ang bumubuo sa perineum.
Tumutumbas ang labia majora ng katawang pambabae sa eskroto ng katawang panlalaki. Nasa gitna ng labia majora at ng panloob ng mga hita ang mga luping labiokrural. Nasa pagitan ng labia majora at ng labia minora ang mga interlabial sulci.
Tingnan din
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- Kahulugang pangmedisina ng Labia Majora Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.