Ang Labyrinthodontia (Griyeong "may ngiping maze") ay isang ekstintong subklase ng ampibyan na bumubuo ng ilan sa mga nanaig na hayop sa panahong Huling Paleozoic at Simulang Mesosoiko mga 360 hanggang 150 milyong taon ang nakalilipas. Ang pangkat na ito ay ninuno ng lahat ng mga nabubuhay na tetrapoda at sa gayon ay bumubuo ng isang ebolusyonaryong grado(isang parapiletikong pangkat) kesa sa isang natural na pangkat(klado). Ang pangalang ito ay naglalarawan ng paterno ng mga panloob nga tiklop ng dentin at enamel ng ngipin na kadalasan ang tanging bahagi ng mga organismong ito na na-fossila. Ang mga ito ay maitatangi rin sa isang mabigat na armoradong bubong ng bungo(at kaya ang mas matandang pangalan na "Stegocephalia") at komplikadong vertebrae na istrakturang magagamit sa mas matandang mga klasipikasyon ng pangkat. Dahil ang mga labyronthodont ay hindi bumubuo ng isang natural na pangkat, maraming mga modernong mananaliksik ay lumisan sa terminong ito. Gayunpaman, ang ilan ay nagpapatuloy sa paggamit ng pangkat sa mga klasipikasyon nito kahit paano ay ng impormal habang naghihintay ng mas detalyadong pag-aaral ng mga relasyon nito.

"Labyrinthodontia"*
Temporal range: 365–100 Ma
Ang mga inapong takson na Amniota at Lissamphibia ay nagpatuloy sa kasalukuyan.
Proterogyrinus, an anthracosaur.
Proterogyrinus, an anthracosaur.
Scientific classification
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Subpilo: Vertebrata
Hati: "Amphibia" sensu lato
Subklase: "Labyrinthodontia"
Owen, 1860
Groups included
Cladistically included but traditionally excluded taxa

Mga sanggunian

baguhin