Lalawigan ng Batman
Ang Lalawigan ng Batman (Turko: Batman ili, Kurdo: Parêzgeha Batmanê) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa timog-silangan ng Anatolia. Lumagpas sa 500,000 ang populasyon noong 2010. Mahalaga ang lalawigan dahil sa reserba at produksyon ng langis, na nagsimula noong dekada 1940. Mayroon itong 494-km haba ng linya ng tubo mula sa Batman putungo sa puwertong Turko na İskenderun. Bulak ang pangunahing produktong pang-agrikultura. Isang daang-bakal ang kumokonekta mula sa Batman hanggang sa mga katabing lalawigan ng Diyarbakır at Elâzığ at kasama ang kabisera nito na Ankara. Dumadaloy dito ang Ilog Batman. Ang panlalawigang kabisera ay ang lungsod ng Batman (Kurdo: Êlih) na may 246,700 katao. Isang interes ang lalawigan sa puntong arkeolohiko. Kabilang sa mga tanawin dito ang monasteryo ng Imam Abdullah Dervish, ang tulay ng Camiü‘r Rızk at Hasankeyf. Ang mayorya ng lalawigan ay ang mga Kurdo.[2]
Lalawigan ng Batman Batman ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Batman sa Turkiya | |
Mga koordinado: 38°04′55″N 41°24′26″E / 38.0819444°N 41.4072222°E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Timog-silangang Anatolia |
Subrehiyon | Mardin |
Sentrong panlalawigan | Batman |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Batman |
Lawak | |
• Kabuuan | 4,649 km2 (1,795 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 576,899 |
• Kapal | 120/km2 (320/milya kuwadrado) |
• Urban | 335.400 |
Kodigo ng lugar | 0488 |
Plaka ng sasakyan | 72 |
Mga distrito
baguhinNasasakupan ng lalawigan ang sukat na 4,649 km2 (4,659 sang-ayon sa isang sanggunian[3]) at nahahati ito sa anim na mga distrito: Batman (ang kabisera, populasyon 324,402 noong 2008), Beşiri (32,282), Gercüş (26,111), Hasankeyf (7,412), Kozluk (62,114) at Sason (33,295).[4][5] Mayroong 270 nayon ang lalawigan.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
- ↑ Watts, Nicole F. (2010). Activists in Office: Kurdish Politics and Protest in Turkey (Studies in Modernity and National Identity) (sa wikang Ingles). Seattle: University of Washington Press. p. 167. ISBN 978-0-295-99050-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Türkei, Europa auf einen Blick (sa wikang Turko)
- ↑ Batman Naka-arkibo 2011-03-10 sa Wayback Machine., gap.gov.tr (sa Turko)
- ↑ Population Statistics Turkish Statistical Institute (sa Ingles)
- ↑ Balaban, Meltem Şenol Risk society and planning: the case of flood disaster management in Turkish cities. PhD Thesis. Graduate School of Natural and Applied sciences, Middle East Technical University 2009, p. 21 (sa Ingles)