Lalawigan ng Latina

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Latina. Para sa wika, tingnan ang Wikang Latin. Maaari rin itong tumukoy sa mga taga-Latinoamerika.

Ang Latina ay isang lalawigan ng rehiyon ng Lazio sa Italya. Ang lungsod ng Latina ang kabisera nito.

Ito ay may lawak na 2,251 square kilometre (869 mi kuw) at populasyon na 561,189 (2012). Mayroong 33 comune sa lalawigan.[1]

Heograpiya

baguhin

Bagaman ang pinakamaliit sa mga lalawigan sa rehiyon ng Lazio, ang lalawigan ng Latina ay kinabibilangan ng iba't ibang mga heograpikal at makasaysayang lugar.

Kasaysayan

baguhin

Ang lalawigan ng Latina ay itinatag noong Disyembre 18, 1934, na sumasaklaw pangunahin sa mga pinatuyo na lugar ng Agro Pontino na dating bahagi ng lalawigan ng Roma. Bukod sa mga lupaing Pontino, kabilang dito ang mga bulubundukin ng Aurunci, Lepini, at Ausoni, gayundin ang kapuluang Pontino. Ang daungan ng Gaeta at Formia, sa pinakatimog na bahagi ng lalawigan, ayon sa kaugalian at wika ay kabilang sa Campania.

Mga pagkakahati ng lalawigan

baguhin

Ang lalawigan ay may 33 komuna. Ang mga pinakamatao ay:

Komuna Populasyon
Latina 128,810
Aprilia 74,691
Terracina 46,245
Fondi 39,773
Formia 38,264
Cisterna di Latina 36,742
Sezze 24,866
Gaeta 20,936
Sabaudia 20,305
Minturno 19,816
Pontinia 14,883
Priverno 14,452
Cori 11,108
Itri 10,724
Sermoneta 10,155
San Felice Circeo 10,018
Sonnino 7,548
Santi Cosma e Damiano 6,889

Mga sanggunian

baguhin
  1. Statistics of Italy

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.