Lalawigan ng Mardin

Ang Lalawigan ng Mardin (Klasikong Siriako: ܡܪܕܐ‎, Turko: Mardin ili, Kurdo: Parêzgeha Mêrdînê‎, Arabe: ماردين,), ay isang lalawigan sa Turkiya na may tinatayang populasyon na 809,719 noong 2017 samantala noong 2000, ang populasyon ay 835,173. Ang kabisera ng lalawigan ay ang lungsod ng Mardin (Klasikong Siriako: ܡܶܪܕܺܝܢ‎ "Mardin" sa kaugnay ng wikang Semitiko na Arabe: ماردين, Mardīn). Matatagpuan malapit sa tradisyunal na hangganan ng Anatolia at Mesopotamia, mayroon itong iba't ibang populasyon, na binubuo ng mga Kurdo, Arabo at Asirio, kasama ng mga Kurdo na binubuo ng mayorya ng populasyon ng lalawigan.[2]

Lalawigan ng Mardin

Mardin ili
Lokasyon ng Lalawigan ng Mardin sa Turkiya
Lokasyon ng Lalawigan ng Mardin sa Turkiya
Mga koordinado: 37°19′N 40°43′E / 37.32°N 40.72°E / 37.32; 40.72
BansaTurkiya
RehiyonTimog-silangang Anatolia
SubrehiyonMardin
Pamahalaan
 • Distritong panghalalanMardin
 • GobernadorMustafa Yaman
Lawak
 • Kabuuan8,891 km2 (3,433 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2016)[1]
 • Kabuuan796,237
 • Kapal90/km2 (230/milya kuwadrado)
Kodigo ng lugar0482
Plaka ng sasakyan47

Kasaysayan

baguhin

Nagmula ang Mardin mula sa salitang Siriako na (ܡܪܕܐ) at nangangahulugang "mga muog".[3][4]

Ang unang kilalang kabihasnan sa Mardin ay ang mga Subartu-Hurrita na pinalatan noong 3000 BCE ng mga Hurrita. Nakuha ito ng mga Elamita noong mga 2230 BCE at sinundan ng mga Babilonia, Heteo, Asiriano, Romano at Bisantino.[5]

Mga distrito

baguhin
 
Mga distrito ng Mardin

Ang lalawigan ng Mardin ay nahahati sa 10 distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):

  • Mardin (kalagitnaang distrito, ipinangalang Artuklu pagkatapos ng 2014)
  • Dargeçit
  • Derik
  • Kızıltepe
  • Mazıdağı
  • Midyat
  • Nusaybin
  • Ömerli
  • Savur
  • Yeşilli

Mga sanggunian

baguhin
  1. Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
  2. Watts, Nicole F. (2010). Activists in Office: Kurdish Politics and Protest in Turkey (Studies in Modernity and National Identity) (sa wikang Ingles). Seattle: University of Washington Press. p. 167. ISBN 978-0-295-99050-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lipiński, Edward (2000). The Aramaeans: Their Ancient History, Culture, Religion (sa wikang Ingles). Peeters Publishers. p. 146. ISBN 978-90-429-0859-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Payne Smith's A Compendious Syriac Dictionary, Dukhrana.com (sa Ingles)
  5. "- Antik Tatlıdede Konağı - Mardin". www.tatlidede.com.tr (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Enero 2019. Nakuha noong 19 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)