Lalawigan ng Reggio Emilia
- Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Reggio nell’Emilia.
Ang Reggio Emilia (sa Latin: Lepidi, Lepidum Regium, Regium Lepidi, at Regium) ay isang lalawigan ng rehiyon ng Emilia-Romagna sa Italya. Ang lungsod ng Reggio nell’Emilia ang kabisera nito. Ito ay may 171,944 naninirahan.[2]
Ito ay may lawak na humigit-kumulang 2,292 square kilometre (885 mi kuw) at, Magmula noong 2017[update], ay may populasyong 531,942. Mayroong 42 comune sa lalawigan.[3] Ang Rolo, ang pinakamaliit na comune sa lalawigan ayon sa lugar, ay ang comune na pinakamalayo sa Silangan. Ang Ventasso ay ang comune na pinakamalayo sa Kanluran. Ang mga hangganang bayan ng Lalawigan ay Ventasso, na siyang pinakamaliit na komunidad ayon sa populasyon, sa timog at Luzzara sa hilaga. Ang Luzzara ay ang pangalawang pinakamalaking comune sa Emilia-Romaña at may pinakamataas na bilang ng mga dayuhang mamamayan sa rehiyon.[3]
Ang lalawigan ay tahanan ng makasaysayang Kastilyo Canossa, pag-aari ng kondesa Matilde; dito naganap ang Daan tungong Canossa ni Enrique IV. Ang mga kinatawan ng mga malayang munisipalidad ng Reggio, Modena, Bologna at Ferrara ay nagpulong sa Sala del Tricolore ng Reggio Emilia noong 1797 upang ipahayag ang Repubblica Cispadana, na pinagtibay ang tatlong kulay berde-puti-pulang bandila upang kumatawan sa kanilang bagong nabuong Republika; kalaunan ay pinagtibay ito noong 1848 bilang pambansang watawat.[4]
Tingnan din
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ http://demo.istat.it/bilmens2018gen/index.html.
- ↑ "Istat". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-06. Nakuha noong 2017-06-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Provincia di Reggio Emilia". Comuni-Italiani.it.
- ↑ Official Tourist Information Site of the Municipality of Reggio Emilia, Accessed 10 July 2011. Naka-arkibo 13 August 2011 sa Wayback Machine.