Lalawigan ng Trat
Ang Lalawigan ng Trat (Thai: ตราด,binibigkas [tràːt]), na binabaybay rin bilang lalawigan ng Trad, ay isa sa pitumpu't pitong lalawigan ng Thailand (changwat), at matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Taylandiya. May hangganan ito sa lalawigan ng Chanthaburi sa hilagang-kanluran, at Camboya at mga lalawigan nito ng Pailin, Battamabang, Pursat, at Koh Kong sa hilaga, hilagang-silangan at silangan nito. Sa timog, nasa hangganan nito ang Golpo ng Taylandiya at Karagatang Pasipiko. Sa Taylandiya, ito ang ika-15 pinakamaliit na lalawigan sa 2,819 km 2 at ika-4 na lalawigan na may pinakamaliit na populasyon sa 229,958 noong 2019. Ang kabisera nito ay bayan ng Trat.
Trat ตราด | |||
---|---|---|---|
| |||
Map of Thailand highlighting Trat province | |||
Mga koordinado: 12°24′N 102°31′E / 12.400°N 102.517°Ecenter of province | |||
Bansa | Thailand | ||
Kabesera | Trat | ||
Pamahalaan | |||
• Gobernador | Chamnanwit Terat (simula Oktubre 2021) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 2,819 km2 (1,088 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | Ika-62 | ||
Populasyon (2019)[2] | |||
• Kabuuan | 229,958 | ||
• Ranggo | Ika-74 | ||
• Kapal | 81.57/km2 (211.3/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | Ika-60 | ||
Human Achievement Index | |||
• HAI (2017) | 0.6049 "somewhat high" Ika-27 | ||
Sona ng oras | UTC+7 (ICT) | ||
Postal code | 23xxx | ||
Calling code | 039 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | TH-23 |
Sa panahon ng kaharian ng Ayutthaya, ang Trat ay naging isang mahalagang lokasyon para sa kalakalan. Sa panahon ng krisis sa Paknam noong 1893, sinakop ng mga sundalong Pranses ang lalawigan, kung saan ibinigay ng Siam ang Trat sa kolonyal na pamamahala ng Pransiya bilang kapalit ng lalawigan ng Chanthaburi. Gayunpaman, ang Trat ay ibinalik sa Siam noong 1907 bilang kapalit ng lupain ng Siames sa tabi ng ilog ng Mekong.
Ang Trat ay 315 km mula sa Bangkok.[4] Ang lalawigan din ay nagsisilbing pangunahing sentro para sa pagtatanim ng prutas, pagmimina ng hiyas at pangingisda sa rehiyon.[5]
Toponimo
baguhinAng Trat ay pinaniniwalaan na isang korupsiyon ng "Krat"(กราด) ang pangalang Taylandes para sa punong Dipterocarpus intricatus, karaniwan sa rehiyon at ginagamit sa paggawa ng mga walis.[6] Ito rin ay binabaybay na Trad.[7][8][9]
Heograpiya
baguhinAng lalawigan ay sumasaklaw sa isang lupain na 2,917 square kilometre (1,126 mi kuw).[10] Ang kabuuang lugar ng kagubatan ay 899 square kilometre (347 mi kuw) o 31.4 porsiyento ng lawak ng lalawigan. [11]
Kasaysayan
baguhinAng kasaysayan ng Trat ay matutunton pabalik sa unang bahagi ng ika-17 siglo sa panahon ng paghahari ni Haring Prasat Thong ng Kahariang Ayutthaya. Dating kilala bilang Mueang Thung Yai, ang Trat ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng katatagan at ekonomiya ng bansa dahil sa estratehikong lokasyon nito. Ang bayan ng Trat ay naging komunidad ng mga mangangalakal na Tsino.
Matapos ang pagbagsak ng Ayutthaya sa Burmes noong 1767, ang Trat ay nagsilbing checkpoint at lungsod buffer at responsable sa pagbibigay ng mga probisyon kay Haring Taksin ang Dakila bago niya inilipat ang kanyang mga puwersa mula Chanthaburi patungong Ayutthaya. Nagtagumpay si Haring Taksin na palayasin ang mga mananakop na Burmese at pinalaya ang kaharian mula sa pamamahala ng dayuhan.
Sa panahon ng Rattanakosin, noong 1893 krisis sa Paknam, dumaong at sinakop ng mga tropang Pranses ang kanlurang bahagi ng lalawigan ng Chantaburi. Noong 1904, napilitan si Siam na isuko ang Trat sa Indotsinang Pranses upang mabawi ang Chantaburi. Pagkaraan ng tatlong taon, gayunpaman, nang makitang mahirap pamunuan ang Trat kasama ang halos buong populasyon nitong Taylandes, ibinalik ng mga Pranses ang Trat sa Thailand noong Marso 23, 1907, kapalit ng mas malalaking lugar sa tabi ng ilog ng Mekong, na kinabibilangan ng Battambang, Siemreap, at Serei Sophoan, na lahat ay may populasyong karamihang Khmer.
Pangangasiwa
baguhinPamahalaang panlalawigan
baguhinAng lalawigan ay nahahati sa pitong distrito (amphoe). Ang mga ito ay nahahati pa sa 38 subdistrito (tambon) at 261 nayon (muban).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Advancing Human Development through the ASEAN Community, Thailand Human Development Report 2014, table 0:Basic Data (PDF) (Ulat). United Nations Development Programme (UNDP) Thailand. pp. 134–135. ISBN 978-974-680-368-7. Nakuha noong 17 Enero 2016, Data has been supplied by Land Development Department, Ministry of Agriculture and Cooperatives, at Wayback Machine.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)[patay na link][wala sa ibinigay na pagbabanggit] - ↑ "ร่ยงานสถิติจำนวนประชากรและบ้านประจำปี พ.ศ.2561" [Statistics, population and house statistics for the year 2018]. Registration Office Department of the Interior, Ministry of the Interior. stat.bora.dopa.go.th (sa wikang Thai). 31 Disyembre 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2019. Nakuha noong 20 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Human achievement index 2017 by National Economic and Social Development Board (NESDB), pages 1–40, maps 1–9, retrieved 14 September 2019, ISBN 978-974-9769-33-1
- ↑ "About Trat". Tourism Authority of Thailand (TAT). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Enero 2016. Nakuha noong 21 Marso 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The official website of Tourism Authority of Thailand". www.tourismthailand.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Trat, General Information". www.thai-tour.com. Nakuha noong 25 Marso 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "List of Plant quarantine station in Thailand" (PDF). 2017. Nakuha noong 23 Setyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pred Nai Community Forest, Trad Province, Thailand (Book chapter)". University of the Sunshine Coast, Queensland. Nakuha noong 23 Setyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Anheier, H.K.; Simmons, A.; Winder, D. (2007). Innovation in Strategic Philanthropy: Local and Global Perspectives. Nonprofit and Civil Society Studies. Springer US. p. 102. ISBN 978-0-387-34253-5. Nakuha noong 23 Setyembre 2021.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "General Information". Trat province. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hunyo 2019. Nakuha noong 21 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ตารางที่ 2 พี้นที่ป่าไม้ แยกรายจังหวัด พ.ศ.2562" [Table 2 Forest area Separate province year 2019] (sa wikang Thai). 2019. Nakuha noong 6 Abril 2021, information, Forest statistics Year 2019
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
Karagdagang pagbabasa
baguhin"เตร็ดเตร่ตราด [Wandering about Trat]". Osotho Magazine (sa wikang Thai). Tourism Authority of Thailand (TAT). 59 (10). Mayo 2019. ISSN 0125-7226.{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Gabay panlakbay sa Lalawigan ng Trat mula sa Wikivoyage
- Trat provincial map, coat of arms and postal stamp