Lalawigan ng Tunceli

Ang Lalawigan ng Tunceli (Kurdong Kurmanji: parêzgeha Dêrsimê, Turko: Tunceli ili[3]), dating Lalawigan ng Dersim, ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa Silangang Rehiyong ng Anatolia. Karamihang binubuo ang populasyon ng mga Kurdong Alevi (Kurmanj at Zaza na nagsasalitang mga Kurdo). Orihinal na pinangalan ang lalawigan bilang Lalawigan ng Dersim (Dersim vilayeti), pagkatapos naging isang distrito (Dersim kazası) at napasama sa Lalawigan ng Elâzığ noong 1926.[4] Sa huli, napalitan ito sa Lalawigan ng Tunceli noong Enero 4, 1936[5] sa pamamagitan ng "Batas sa Pamamahala ng Lalawigan ng Tunceli" (Tunceli Vilayetinin İdaresi Hakkında Kanun), blg. 2884 ng 25 Disyembre 1935,[6][7][8] ngunit may ilan na tinatawag pa rin ang rehiyon sa orihinal nitong pangalan. Opisyal na napalitan ang pangalan ng panlalawigang kabisera, ang Kalan, sa Tunceli para pumarehas sa pangalan ng lalawigan.

Lalawigan ng Tunceli
Lokasyon ng Lalawigan ng Tunceli sa Turkiya
Lokasyon ng Lalawigan ng Tunceli sa Turkiya
Mga koordinado: 39°12′53″N 39°28′17″E / 39.214722222222°N 39.471388888889°E / 39.214722222222; 39.471388888889
BansaTurkiya
RehiyonKalagitnaang Silangang Anatolia
SubrehiyonMalatya
Pamahalaan
 • Distritong panghalalanTunceli
Lawak
 • Kabuuan7,774 km2 (3,002 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2016)[1]
 • Kabuuan82,193
 • Kapal11/km2 (27/milya kuwadrado)
Kodigo ng lugar0428[2]
Plaka ng sasakyan62

Kabilang sa mga katabing lalawigan ang Erzincan sa hilaga at kanluran, Elazığ sa timog, at Bingöl sa silangan. May sukat ang lalawigan ng 7,774 km2 (3,002 mi kuw) at may populasyon na of 76,699 (taya ng 2010). Ito ang may pinakamababang densidad ng populasyon ng kahit anong lalawigan sa Turkiya, mayroon lamang itong 9.8 naninirahan/km2. Ang mayorya ng populasyon ay ang mga Kurdo.[9] Ang Tunceli lamang ang lalawigan sa Turkiya na may mayorya ng mga Alevi.

Mga distrito

baguhin

Nahahati ang Lalawigan ng Tunceli sa walong distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):

  • Çemişgezek
  • Hozat
  • Mazgirt
  • Nazimiye
  • Ovacık
  • Pertek
  • Pülümür
  • Tunceli

Mga sanggunian

baguhin
  1. Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)
  2. Area codes page of Turkish Telecom website Naka-arkibo 2011-08-22 sa Wayback Machine. (sa Turko) (sa wikang Turko)
  3. "Mevcut İller Listesi" (PDF) (sa wikang Turko). İller idaresi. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 4 Abril 2015. Nakuha noong 15 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Album of the Grand National Assembly of Turkey Naka-arkibo 2013-08-01 sa Wayback Machine., Vol. 1, p. XXII, Dersim İli, 26.06.1926 tarih ve 404 sayılı Resmi Ceride'de yayımlanan 30.5.1926 tarih ve 877 sayılı Kanunla ilçeye dönüstürülerek Elazıg'a bağlanmıştır. (sa wikang Turko)
  5. Paul J. White, Primitive rebels or revolutionary modernizers?: the Kurdish national movement in Turkey, Zed Books, 2000, ISBN 978-1-85649-822-7, p. 80. (sa Ingles)
  6. New perspectives on Turkey, Issues 1-4, Simon's Rock of Bard College, 1999 p. 15. (sa Ingles)
  7. Victoria Arakelova, "The Zaza People as a New Ethno-Political Factor in the Region" - in – “Iran & the Caucasus: Research Papers from the Caucasian Centre for Iranian Studies, Yerevan”, vols.3-4, 1999-2000, pp. 197-408. (sa Ingles)
  8. G.S. Asatrian, N.Kh. Gevorgian. Zaza Miscellany: Notes on some Religious Customs and Institutions. – A Green Leaf: Papers in Honour of Prof. J. P. Asmussen (Acta Iranica - XII). Leiden, 1988, pp. 499-508 (sa Ingles)
  9. Watts, Nicole F. (2010). Activists in Office: Kurdish Politics and Protest in Turkey (Studies in Modernity and National Identity) (sa wikang Ingles). Seattle: University of Washington Press. p. 167. ISBN 978-0-295-99050-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)