Lalawigan ng Yalova
Ang Lalawigan ng Yalova (Turko: Yalova ili) ay isang lalawigan sa hilagang-kanlurang Turkiya, sa silangang baybayin ng Dagat ng Marmara. Kabilang sa mga katabing lalawigan ang Bursa sa timog at Kocaeli sa silangan. Ang panlalawigang kabisera ay ang lungsod ng Yalova. Noong 2010, nasa 203,741 ang populasyon ng lalawigan. Bago ang 1930, binubuo ang lugar na pumapalibot sa Yalova ng isang distrito ng Lalawigan ng Kocaeli; mula 1930 hanggang 1995, naging bahagi ito ng Lalawigan ng Istanbul; noong 1995, humiwalay ang lugar at naging Lalawigan ng Yalova sa kasalukuyan.
Lalawigan ng Yalova Yalova ili | |
---|---|
Lokasyon ng Lalawigan ng Yalova sa Turkiya | |
Mga koordinado: 40°38′39″N 29°11′37″E / 40.644166666667°N 29.193611111111°E | |
Bansa | Turkiya |
Rehiyon | Silangang Marmara |
Subrehiyon | Kocaeli |
Pamahalaan | |
• Distritong panghalalan | Yalova |
Lawak | |
• Kabuuan | 847 km2 (327 milya kuwadrado) |
Populasyon (2016)[1] | |
• Kabuuan | 241,665 |
• Kapal | 290/km2 (740/milya kuwadrado) |
Kodigo ng lugar | 0226 |
Plaka ng sasakyan | 77 |
Mga distrito
baguhinNahahati ang Lalawigan ng Yalova sa 6 na distrito:
- Altınova
- Armutlu
- Çiftlikköy
- Çınarcık
- Termal
- Yalova
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Turkish Statistical Institute, dokumentong spreadsheet' – Population of province/district centers and towns/villages and population growth rate by provinces (sa Ingles at Turko)