Lanceros de Negros
Ang Lanceros de Negros (bigkas: lahn-SEH-rohs-deh-NEHG-rohs) ay isang sayawing Maria Clara. Noong panahon ng mga Kastila, isa ito sa mga naging popular na sayaw sa Pilipinas. Nahahawig ito sa sayaw na Rigodon de Honor na isinasayaw sa mga importanteng sosyalan o pagtitipon, partikular na sa pagbubukas ng mga bulwagan. Matatagpuan sa Negros Occidental ang isang bersyon ng sayaw na ito, na isinasayaw ng may pahabang pormasyon. Nagmula ito sa Silay, Negros Occidental.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.