Kalaswaan

(Idinirekta mula sa Laswa)

Ang kalaswaan o obsenidad (Ingles: obscenity) ay ang anumang pagpapahayag o gawain na marubdob na nakapagpapagalit o nakapang-aalimura sa nangingibabaw na moralidad ng isang kapanahunan, o isang propanidad (kalapastanganan o kabastusan), o kaya isang pagbabawal o taboo, hindi disente, nakaririmarim, kasuklam-suklam, nakamumuhi, nakakainis, o natatanging walang kasuwertehan. Ang kataga ay ginagamit din sa isang bagay na nagsasanib ng isang pagpapahayag o pagpapakita ng pagkamalaswa.

Sa diwang legal, ang terminong obsenidad ay pinaka kadalasang ginagamit upang ilarawan ang mga ekspresyon (mga salita, mga imahen o larawan, mga kilos) na lantad na likas na pangseks. Ang salita ay maaaring gamitin upang magpahiwatig ng isang malakas na pagtaliwas, katulad ng sa kalanturan, kakirihan, kalandian, o kahaliparutan.

Ayon sa diksyunaryo ng Merriam-Webster sa Internet, ang obscenity ay payak na pinakahuluganan bilang repulsibo o nakamumuhi sa mga pandama o sentido.[1]

Ang kahulugan kung ano talaga ang bumubuo sa obsenidad ay magkakaiba sa iba't ibang mga kultura, sa pagitan ng mga pamayanan sa loob ng isang kalinangan, at sa pagitan din ng mga indibidwal sa loob ng mga pamayanang ito. Maraming mga kultura ang nagsagawa ng mga batas upang bigyan ng kahulugan ang kung ano ang maituturing na malaswa, at ang pagsesensor (censorship) ay kadalasang ginagamit upang subuking pigilan o tabanan ang mga materyal na mahalay sa ilalim ng mga kahulugang ito: karaniwang kasama, subalit hindi limitado, sa materyal na pornograpiko. Dahil sa ang ganyang pagbabawal o pagsesensor ay naghahangga ng kalayaan ng ekspresyon, ang paglikha ng legal na depinisyon ng obsenidad ay naghaharap ng isang paksang may kaugnayan sa mga kalayaang sibil.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Merriam-Webster Online, accessed September 2010.