Si Laura Beatrice Marling (ipinanganak noong 1 Pebrero 1990) ay isang Ingles na folk musician mula sa Eversley, Hampshire.

Laura Marling
Laura Marling, 2009
Laura Marling, 2009
Kabatiran
Kapanganakan (1990-02-01) 1 Pebrero 1990 (edad 34)
Eversley, Hampshire, England
GenreContemporary folk, folk rock
TrabahoSinger/songwriter
InstrumentoVocals, guitar, bass, piano
Taong aktibo2006–present
LabelWayOutWest, Virgin
WebsiteLauraMarling.com

Siya ay unang sumikat sa eksenang London folk, ngunit siya ay nakalibot at nakatugtog na sa iba’t ibang bansa kasama ang ilang kilalang indie na banda sa UK. Ang kanyang istilo ay makikilala sa kanyang magagandang melodies at makatang mga titik. Ang kanyang una at ikalawang mga album Alas, I Cannot Swim at I Speak Because I Can ay parehong naging nominado para sa Mercury Music Prize 2008 at 2010. Siya ay nanalong Best Female Solo Artist sa 2011 Brit Awards.

Pagkabata

baguhin

Si Laura ay ipinanganak sa Hampshire, England at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Siya ay unang nakarinig ng folk music mula sa kanyang tatay na si Sir Charles William Somerset Marling, Ika-limang Baronet, na nagmamay-ari ng recording studio. Siya ay nag-aral sa Leighton Park School, isang pribadong Quaker na paaralan sa Reading, Berkshire.[1] Noong siya ay bata pa, nakaranas siya ng malalang social unease at takot sa kamatayan.[2]

Si Laura ay miyembro ng unang hanay ng indie na bandang folk na Noah and the Whale. Nasasabing nagkaroon sila ng mang-aawit/gitarista nitong si Charlie Fink ng romantikong relasyon.[1][3] Maririnig ang kanyang pag-awit sa kanilang unang album na pinamagatang Peaceful, the World Lays Me Down; ngunit iniwan niya ang grupo at siya ay nakipaghiwalay kay Charlie Fink bago mailabas ang kanyang sariling album noong 2008.[3][4] Siya rin ay umawit sa kantang “Suspicious Eyes” ng bandang The Rakes sa kanilang album noong 2007 na pinamagatang Ten New Messages na kung saan nakapangalan siyang 'Laura Marlin'. Pagkatapos nito ay umawit rin siya sa kantang "Young Love" ng Mystery Jets na inilabas noong 10 Marso 2008.

Alas I Cannot Swim

baguhin

Siya ay personal na inimbitahan ni Jamie T na sumama sa kanyang tour matapos na siya ay mapanood sa pangalawa pa lamang nitong pagkakataon umawit na mag-isa. Siya rin ay sumama at umawit sa tour ng maraming musikero at mga banda mula sa UK at iba pang mga bansa, katulad na lamang ni Adam Green na mula sa anti-folk na bandang The Moldy Peaches. Tumugtog rin siya sa O2 Wireless Festival at sa unang Underage Festival noong Agosto 2007 sa Victoria Park, East London, bago nailabas ang kanyang unang EP na "London Town" sa WayOutWest Records.

Ang kanyang unang album na pinamagatang Alas, I Cannot Swim ay inilabas noong 4 Pebrero 2008,[5] at ito’y hinirang para sa Mercury Prize ng taon ring iyon.[6] Ang album na ito at ang mga sumunod na singles ay inilabas sa Virgin Records. Ang ikatlo at huling single mula sa album na ito, ang kantang "Night Terror," ay inilabas noong 27 Oktubre 2008, na kasabay naman ng "Night Terror tour" na tumagal ng anim na araw.[7]

Si Laura ay bumisita na sa mga palabas sa telebisyon tulad ng The Late Late Show with Craig Ferguson (inawit niya ang “Ghosts”) at Later With Jools Holland (inawit naman niya ang "New Romantic"). Noong 2008, bumisita siya sa programa ni Russell Brand sa Radio 2 kasama ang kanyang kapatid na babae. Sa isang pagkakataon ay pinili niyang umawit sa kalsada matapos siyang hindi papasukin sa sarili niyang show sa isang club sa kadahilanang siya ay wala pa sa tamang edad.[8][9]

I Speak Because I Can

baguhin

Ang sumunod sa Alas I Cannot Swim, na pinamagatang I Speak Because I Can ay inilabas noong 22 Marso 2010. Sa album na ito, na ang producer ay si Ethan Johns, ay mas hinog ang tunog at titik at ang mga kanta ay patungkol sa reponsibilidad, lalo na ng mga babae.[10] Sinundan ito ng mga singles na "Goodbye England (Covered in Snow)", na inilabas sa iTunes noong Disyembre 2009[11] "Devil's Spoke" noong ika-15 naman ng Marso 2010. Noong 28 Marso 2010, pumasok ang I Speak Because I Can sa UK Albums Chart sa bilang apat. Ito rin ay hinirang para sa Mercury Music Prize noong 2010.

Diskograpiya

baguhin

May iba pa siyang mga kantang nasa YouTube ngunit hindi pa mabibili tulad ng “Soulless Child,” “Candlelight,” at “Karma,”. Ang kanta namang “She’s Changed” ay may live version na ibinebenta ngunit walang prerecorded version at ang kantang “Such A Shame” ay wala sa YouTube at hindi mabibili kahit saan.

Mga nominasyon at patimpalak

baguhin
Taon Organisasyon Nominadong gawa Gantimpala Resulta
2008 Mercury Prize 2008 Alas, I Cannot Swim Mercury Prize Nominado
2010 Mercury Prize 2010 I Speak Because I Can Nominado
RTÉ Radio 1 Album of the Year Nominado[12]
2011 BBC Radio 2 Folk Awards Rambling Man Best Original Song Nominado
Brit Awards Best British Female Nanalo
NME Awards Best Solo Artist Nanalo

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Fisher, Alice (26 Oktubre 2008). "Little gal with a full-grown talent". The Observer. Nakuha noong 25 Enero 2010. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cairns, Dan (14 Pebrero 2010). "Laura Marling is cut from different cloth". timesonline.com. Nakuha noong 23 Pebrero 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. 3.0 3.1 Fisher, Alice (23 Agosto 2009). "Tell Laura I love her – at least I used to". The Observer. Nakuha noong 25 Enero 2010. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lusk, Jon (8 Agosto 2008). "Fans of Belle & Sebastian, Arcade Fire and Bill Callahan may well enjoy this disc (review, Peaceful, The World Lays Me Down)". BBC. Nakuha noong 28 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Laura Marling". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-25. Nakuha noong 2011-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Bearded magazine". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-12. Nakuha noong 2011-06-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. The George Lamb Show on BBC 6 Music
  8. Observer interview
  9. YouTube - laura marling busking part 1
  10. NME - I Speak Because I Can, First Listen
  11. "Laura Marling - News". Nakuha noong 13 Disyembre 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. [1]
baguhin