Musikang pambayan
Kabilang sa musikang pambayan (sa Ingles: folk music) ang tradisyunal na musikang pambayan at ang genre o kaurian na nagbago mula dito noong ika 20 siglo nang muling isilang ang mga pinag-ugatan (tinatawag sa Ingles bilang folk revival o roots revival). May ilang uri musikang pambayan na maaring tawaging musikang mundo (world music). Binibigyan ng kahulugan ang tradisyunal na musikang pambayan sa ilang mga paraan: bilang musikang pinapasa sa pamamagitan ng pasalita, musikang di alam ang mga kompositor, o musikang tinatanghal sa pamamagitan ng kustumbre sa loob ng mahabang panahon. Iniiba ito sa mga komersyal at klasikal na mga istilo. Unang lumabas ang katawagan na folk music noong ika 19 na siglo ngunit nagpatuloy pa ito pagkalampas ng panahong iyon.
Simula noong kalagitnaan ng ika 18 siglo, isang bagong anyo ng popular na musikang pambayan ang nagbago mula sa tradisyunal na musikang pambayan. Tinatawag ang proseso at panahon na ito bilang ang (ikatlong) muling pagsilang ng pinag-ugatan at umabot sa isang tugatog noong dekada 1960. Tinatawag ang anyong ito bilang kontemporaryong musikang pambayan o folk revival music upang ipagkaiba sa mga naunang anyong musikang pambayan..[1]
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ Ruehl, Kim. "Folk Music" (sa wikang Ingles). About.com definition. Nakuha noong Agosto 18, 2011.