Lawa
(Idinirekta mula sa Lawa-lawaan)
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang mga malalaking lawa.
May mga lawa din na sadyang ginawa para sa paggawa ng mga lakas hidro-elektriko, mga gamit pang-industriya, pang-agrikultura, o upang pagkunan ng tubig.
Mga kilalang Lawa
baguhin- Ang Dagat Caspian ang pinakamalaking lawa sa daigdig kung susukatin ang lapad nito. Ang lapad ay 394,299 km², ito ay higit na malaki kahit pa pagsa-samahin ang sumunod na anim na lawa na pinagsama-sama.
- Pinakamalalim ang lawa ng Baikal sa Sibera, na may lalim na 1,637 m (5,371 talampakan) at ang pinakamalaking lawa na may sariwang tubig ayon sa dami sa daigdig.
- Pinakamatandang lawa ang Lawa ng Baikal, sinundan ng Lawa ng Tanganyika (Tanzania).
Pinakamalalaking lawa ayon sa Kontinente
baguhin- Antarctica - Lawa ng Vostok (subglacial)
- Asya - Dagat Caspian, ang pinakamalaki sa daigdig.
- Australia - Baras-Baras
- Europa - Lawa ng Ladoga, sinundan ng Lawa ng Onega, parehong nasa hilagang kanluran ng Rusya.
- Hilagang Amerika - Lawa ng Superior
- Timog Amerika - Lawa ng Titicaca,
Paalala: Ang Lawa ng Maracaibo ay maaari ring sabihing pinakamalaking lawa sa Timong Amerika. Ngunit ang bukana nito sa ay may kalakihan, kaya't higit na mainam na sabihin ito bilang look.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.