Le Corbusier

arkitekto, taga-disenyo, urbanista, at manunulat

Si Charles-Édouard Jeanneret (6 Oktubre 1887 – 27 Agosto 1965), kilala bilang Le Corbusier (Pranses: [lə kɔʁbyˈzje]), ay isang Suwisong-Pranses na arkitekto, designer, pintor, urban planner, manunulat, at isa sa mga tagapanguna ng tinatawag na ngayong modernong arkitektura. Ipinanganak siya sa Switzerland at naging isang mamamayang Pranses noong 1930. Ang kanyang karera ay tumagal ng limang dekada, at nagdisenyo ng mga gusali sa Europa, Hapon, India, at Hilaga at Timog America.

Le Corbusier
Le Corbusier
Kapanganakan
Charles-Édouard Jeanneret-Gris[1]

6 Oktubre 1887(1887-10-06)
La Chaux-de-Fonds, Switzerland
Kamatayan27 Agosto 1965(1965-08-27) (edad 77)
NasyonalidadSwiss, French
ParangalAIA Gold Medal (1961), Grand Officiers of the Légion d'honneur (1964)
Mga gusaliVilla Savoye, Poissy
Villa La Roche, Paris
Unité d'habitation, Marseille
Notre Dame du Haut, Ronchamp
Buildings in Chandigarh, India
Mga proyektoVille Radieuse

Nakatuon sa pagbibigay ng mas mahusay na kondisyon para sa residente ng mga mataong lungsod, Le Corbusier ay naging maimpluwensiya sa urban planning, at naging isang miyembrong tapagtatag ng Congrès International d'Architecture Moderne (CIAM). Inihanda ni Le Corbusier ang punong balak para sa lungsod ng Chandigarh sa India, at nagbigay ng mga tiyak na disenyo para sa ilang gusali doon.

Noong 17 Hulyo 2016, labimpito proyekto ni Le Corbusier sa pitong bansa ay itinala sa listahan ng UNESCO World Heritage site bilang The Architectural Work of Le Corbusier, an Outstanding Contribution to the Modern Movement ("Gawang Arkitektura ni Le Corbusier, Isang Namumukod na Kontribusyon sa Modernong Kilusan").[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ministère de la Culture et de la Communication, Archives nationales; site de Fontainebleau, Légion d'honneur recipient, birth certificate. Culture.gouv.fr. Retrieved on 27 February 2018.
  2. "The Architectural Work of Le Corbusier, an Outstanding Contribution to the Modern Movement". Nakuha noong 14 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)