Lecanora esculenta
- Para sa iba pang mga kahulugan ng mana, tingnan ang mana (paglilinaw).
Ang Lecanora esculenta, o karaniwang tinatawag na mana[1], ay uri ng mga halamang lichen o produkto ng mga halaman na katutubo sa Turkey at Gitnang Silangan, na ginagamit sa paghulma ng mga tinapay at paggawa ng mga halaya (binabaybay ding halea)[2] o jelly. Ginagamit din ang mga ito sa paggamot ng mga karamdamang tulad ng diabetes, nephritis, at catarrh. Pinaniniwalaan ang ang lichen na Lecanora esculenta ang siyang manna na "nahulog mula sa kalangitan" at nabanggit sa Exodus ng Tanakh at ng Bibliya, at isinilbing pagkain ng tao at mga alagang hayop.
Tingnan din
baguhinIba pang mga halaman na ang produktong dagta o resin ay tinatawag na mana:
Sanggunian
baguhin- ↑ Mga manna: Lecanora esculenta, Alhagi maurorum at Alhagi pseudalhagi, Britannica.com
- ↑ De Guzman, Maria Odulio (1968). "Jelly, halea, gulaman". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.