Ang isang lente o paningob (Ingles: lens, at kung minsan ay lense) ay isang malinaw (nanganganinag, transparente) na bagay (katulad ng salamin, plastik, o kahit na isang patak ng tubig) na nagpapabago sa kaanyuan ng mga bagay sa pamamagitan ng pagbaluktot sa liwanag na tumatagos dito. Nagagawa ng mga lente na lumitaw na tila mas malaki, mas maliit, o nakabaliktad ang mga bagay. Ilan sa mga napaggagamitan ng mga lente ang mga salamin sa mata, mga lenteng kontakto, mga kamera, mga prohektor (prodyektor), mga mikroskopyo, mga teleskopyo, mga salaming nagpapalaki, at iba pa. Ang mga mata ay itinuturing bilang mga lente. Ang mga lente ay gumagana sa pamamagitan ng repraksiyon na nangangahulugang pagbaluktot ng liwanag.

Halimbawa ng isang lente.

Mga hugis

baguhin

Ang mga lente ay mayroong tatlong mga hugis. Ang bawat isang kakaibang hugis ay nakapagpapabago sa imahe (nakapagpapalaki o nakapagpapaliit). Ang tatlong mga uri ay:

  • Kulukob (kukob, lukob, maumbok, kulukob, o convex): lente na mas makapal at matambok ang gitnang bahagi
  • Malukom (malukong): lente na mas mapayat o mas manipis ang gitnang bahagi
  • Sapad (planar): lente na sapad ang tapyas

Kasaysayan

baguhin

Ang pinakamatandang nasusulat na mga pagtatala ng mga lente ay nasa sinaunang Griyegong piraso ng akda ni Aristophanes (Aristofanes) na pimagatang "Mga Ulap" ("Clouds"), kung saan ang mga lente ay ginagamitan ng liwanag ng araw upang makalikha ng apoy. Gumawa si Galileo Galilei ng mga lenteng babasagin (mga lenteng yari sa salamin) na ginamit para sa unang nakikilang teleskopyo.

Mga kawing na panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.