Leon Guerrero
Si Leon Guerrero ay isang kathang-isip na tauhan sa pelikulang Pilipino na tinaguriang Lone Ranger ng Pilipinas.[1] Una lumabas ang karakter sa pelikulang Leon Guerrero: Laban sa 7 kilabot na nilabas ng ELK Productions[2] noong 1968 at ginampanan ni Jess Lapid.[3][4] Bagaman, tumatak kay Lito Lapid, pamangkin ni Jess, ang karakter nang ginampanan niya ito sa sumunod na mga pelikula.[5] Ang mga pelikulang ito ay Ang pagbabalik ni Leon Guerrero (1980)[6] at Alamat ni Leon Guerrero (1982).[7] Ang temang awitin sa mga pelikula ay sinulat ni Levi Celerio at inawit ni Fred Panipio.[8]
Leon Guerrero | |
---|---|
Unang paglitaw | Leon Guerrero: Laban sa 7 kilabot (1968) |
Ginampanan ni |
Jess Lapid (1968) Lito Lapid (1980-1982) |
Kabatiran | |
Mga bansag | Manuel |
Kasarian | Lalaki |
Hanapbuhay | Koboy |
Balangkas ng karakter
baguhinSi Leon Guerero ay isang mangangabayo na lumalaban sa kasamaan at pinagtatanggol ang mga naapi.[9] Siya ay nakamaskara, may dalang latigo at may kasuotang koboy na parang si Lone Ranger. Sa pelikulang Leon Guerrero: Laban sa 7 Kilabot noong 1968, uminog ang kuwento ni Guerrero sa kuwento tungkol sa kanyang paghigante at paghanap ng katarungan para sa pagpatay ng pitong kilabot sa kanyang mahal sa buhay.[10] Naipalabas ang pelikula nang ilang buwan bago pinatay si Jess Lapid sa Lungsod Quezon.[11]
Pagkatapos ng ilang mga taon, ang pamangkin ni Jess na si Lito Lapid ay gumanap sa mga pelikulang tinampok ang karakter ni Leon Guerrero. Sa pelikulang Ang Pagbabalik ni Leon Guerrero, ginampanan ni Lito ang maamong si Manuel na laging tinutuksong duwag at ginugulpi ng ama.[8] Sa kalaunan, kinuha ni Manuel ang katauhang Leon Guerrero upang ipagsanggalan ang kanyang mga kababayan mula sa mga tulisan.[8]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Leon Guerrero paired with 'superhero horse'". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2012-09-13. Nakuha noong 2019-07-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Liwayway (sa wikang Ingles). Liwayway Pub. 1968. p. 86.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nakpil, Carmen Guerrero (2007). Legends and Adventures (sa wikang Ingles). Nilathala at ekslusibong pinapamahagi ng Circe Communications, Incorporated (Nakpil Pub.). p. 65. ISBN 9789719376019.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Leon Guerrero: Laban sa 7 kilabot (sa wikang Ingles), nakuha noong 2019-07-11
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "VIEWS FROM THE PAMPANG". viewsfromthepampang.blogspot.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ang pagbabalik ni Leon Guerrero (sa wikang Ingles), nakuha noong 2019-07-11
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alamat ni Leon Guerrero (sa wikang Ingles), nakuha noong 2019-07-11
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 "Pinoy Pop Culture: Lito Lapid as Leon Guerrero". Pinoy Pop Culture (sa wikang Ingles). 2012-07-31. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-26. Nakuha noong 2019-07-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Punzalan, Jamaine (2019-05-22). "Lito Lapid, ex-'Ang Probinsyano' star, is proclaimed senator". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ hughlockwood (2015-06-18). "Jess In The West: A Peek At Two Philippine Cowboy Movies". Melcore's CinePlex Blog (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Video 48 (2008-01-14). "Video 48: THE LAPIDS AS LEON GUERRERO". Video 48 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)