Lesyon

(Idinirekta mula sa Lesion)

Ang lesyon (Ingles: lesion) ay anumang abnormalidad sa tisyu ng isang organismo na sanhi ng sakit o trauma. Sa termino na hindi propesyonal, ito ay tumutukoy sa isang pinsala na hango sa Latin na leasio na nangangahulugang "pinsala".

Mga uri

baguhin

Dahil sa ang depinisyon ng isang lesyon ay malawak, ang iba't ibang uri ng lesyon ay halos walang hanggan. Ang mga ito ay inuuri sa pamamagitan ng mga katangian nito. Kung ang isang lesyon ay sanhi ng isang tumor, ito ay inuuri bilang malignant laban sa benign. Ang mga lesyon ay maaaring uriin ayon sa mga hugis na binubuo ng mga ito gaya ng sa kaso ng maraming mga ulcer na maaaring may hitsurang bullseye o target. Ang mga sukat nito ay maaaring tukuyin bilang grosa (gross) o histolohiko batay sa kung ang mga ito ay nakikita ng hindi tinutulungang mata o nangangailangan ng mikroskopyo upang makita.

Ang karagdagang klasipikasyon na minsang ginagamit ay batay sa kung ang isang lesyon ay o hindi sumasakop sa isang espasyo. Ang isang lesyong sumasakop sa espasyo ay maaaring manghimasok sa mga kalapit na istraktura samantalang ang mga hindi sumasakop sa espasyong lesyon ay isang simpleng butas sa tisyu. Ang halimbawa nito ang isang maliit na area ng utak na naging pluido kasunod ng isang stroke.

Ang ilang mga lesyon ay may espesyal na pangalan gaya ng Gohn lesions sa baga ng mga biktima ng tuberkolosis. Ang karakteristikong mga lesyon ng balat ng isang inpeksiyong varicella-zoster virus (VZV) ay tinatawag na chickenpox. Ang mga lesyon ng ngipin ay karaniwang tinatawag na dental caries.

Sa pinakahuli, ang mga lesyon ay kalimitang inuuri ayon sa lokasyon nito gaya ng "lesyon sa balat" o "lesyon sa utak".

Mga sanhi

baguhin

Ang mga lesyon ay sanhi ng anumang proseso na pumipinsala sa mga tisyu. Ang mga lesyon ay maaari ring sanhi ng mga metabolikong proseso gaya ng ulcer at mga gawaing autoimmune gaya ng sa kaso ng maraming mga uri ng arthritis.

Ang mga lesyon ay minsan intensiyonal na ginagawa sa isang neurosurgery gaya ng isang maingat na paglalagay ng lesyon sa utak upang gamutin ang epilepsy at iba pang mga diperensiya ng utak gaya ng sa ablative brain surgery.

Ang mga lesyon ay hindi lang limitado sa mga hayop o tao. Ang mga napinsang halaman ay sinasabi ring may lesyon.