Si Letizia Ortiz Rocasolano (ipinanganak 15 Setyembre 1972 sa Oviedo, Asturias) ang asawa ng tagapagmana ng Korona ng Espanya, ang Prinsipe ng Asturias na si Felipe de Borbón. Siya, sa gayon, ang Prinsesang Tagapagmana ng Kaharian ng Espanya. Mayroon siyang titulo ng Alteza Real (Inggles: Royal Highness) at ang iba pang mga titulo ng Prinsesa ng Asturias, Girona, at Viana, Kondesa ng Cervera, Dukesa ng Montblanc at Binibini ng Balaguer. Ang kaniyang unang anak, si Leonor de Borbón, ang pangalawa sa pagkahalili sa Korona.

Letizia Ortiz
Kapanganakan15 Setyembre 1972
  • (Province of Asturias, Asturias, Espanya)
MamamayanEspanya
Trabahomamamahayag, host sa telebisyon, war correspondent
AsawaFelipe VI ng Espanya (22 Mayo 2004–)
AnakInfanta Leonor ng Espanya
Infanta Sofía ng Espanya
Pirma

Siya ang anak ng nars na si Paloma Rocasolano at ng mamamahayag na si Jesús Ortiz, at apo ng tanyag na brodkaster sa radyong si Menchu Álvarez del Valle. Mayroon siyang dalawang kapatid, sina Telma at Erika.


TalambuhayEspanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.