Titik
Ang titik o letra ay isang elemento ng sistemang alpabeto ng pagsulat, gaya ng Alpabetong Griyego at ang mga sumunod dito. Ang bawat titik sa isang sinusulat na wika ay kadalasang may kaakibat na isang tunog o ponema sa sinasalitang wika. Ang mga sinusulat na simbolo sa sinaunang mga sulat ay tinatawag na silabograma (na hinango sa salitang syllable ) o logogram (na nangangahulugan na salita o parirala.
Gamit
baguhinBilang simbolo na naglalarawan sa magkakahiwalay ng salitang sinasalita, ang mga titik ay kaakibat ng ponetika. Sa isang dalisay na alpabetong ponetika, ang isang ponema ay nangangahulugan ng isang titik, subalit sa kasaysayan at gamit ng titik ay kadalasang sinasabi na ito ay higit sa isang ponema. Ang isang pares ng titik na nakatalaga sa isang ponema ay tinatawag na digraph. Ang mga halimbawa ng digraph sa Ingles ay, "Ch", "sh", and "th". Ang isang ponema ay maaari rin ilarawan sa tatlong titik, na tinatawag na trigraph. Ang halimbawa nito ay ang pinagsamang mga titik na "sch" sa Aleman.
Ang isang titik din ay maaaring magkaroon mahigit sa isang ponema, na may ponema na nakabatay sa mga nakapaligid na titik dito o kung saan nagmula ang salita. Ang halimbawa nito ay ang epekto sa posisyon, ang titik Kastilang c ay binibigkas na [k] bago ang mga titik na a, o, or u (hal. cantar, corto, cuarto), subalit ito naman ay binibigkas na [s] bago ang mga titik na 'e or i (hal. centimo, ciudad).
Ang mga titik din ay maaaring magkaroon ng mga pangalang inaangkop dito. Ang mga pangalan ay nag-iiba iba sa iba't ibang wika, diyalekto at kasaysayan. Ang titik Z, halimbawa, ay kadalasang tinatawag na zed sa lahat ng mga bansang Ingles ang wika maliban sa Estados Unidos kung saan ang pangalan nito ay zee.
Ang titik, bilang elemento ng alpabeto, ay may pagkakasunod sunod. Ito ay ang tinatawag na "alphabetical order" subalit ang collation ay ang agham na nakatalaga sa pagsasaayos at pagsusunod sunod ng mga titik at mga salita sa iba't ibang wika. Sa Wikang Kastila, bilang halimbawa, ang ñ ay isang nakahiwalay na titik mula sa n. Sa Ingles, ay magkatulad lang ito.
Ang titik ay maaari ring magkaroon ng tumbas na numeriko. Ito ay pinapatunayan sa Pamilang Romano o Roman Numerals at ang mga titik ng ibang mga sistemang panulat. Sa Ingles, Ang Pamilang Arabo o Arabic Numerals ay mas kadalasang ginagamit kaysa sa titik.
Mga sanggunian
baguhin- Daniels, Peter T., at William Bright, eds. 1996. The World's Writing Systems. ISBN 0-19-507993-0.
- Powell, Barry B.. 1991. Homer and the Origin of the Greek Alphabet. ISBN 978-0-521-58907-9 at ISBN 0-521-58907-X.
Mga kawing panlabas
baguhin- Karta ng mga Kodigong Unicode (Unicode Code Charts)
- Gamitin ang LetterCount.com para bilangin ang bilang mga titik sa isang dokumento.