Ang Ñ o enye ay ang ika-15 na letra o titik sa alpabetong Filipino at alpabetong Espanyol na nasa pagitan ng Nn at Ng ng sa alpabetng Filipino at nasa pagitan naman ng Nn at Oo sa alpabetong Espanyol. Kinakatawan nito ang tunog na [ɲ].

Ang Ñ ay nasa kanan ng L sa tekladong Espanyol.
Alpabetong Filipino ng wikang Filipino

(na magagamit at ginagamit din para sa wikang Tagalog)

Aa Bb Cc Dd Ee Ff
Gg Hh Ii Jj Kk Ll
Mm Nn Ññ Ngng Oo Pp
Qq Rr Ss Tt Uu Vv
Ww Xx Yy Zz

Sa Kastila, mayroong pinagkaiba ang bigkas ng ñ, ni + (patinig), at ny: ang una ay binibigkas bilang [ɲ], ang ikalawa bilang [nj], at ang ikatlo bilang [nʒ] o [nʝ], depende sa bansa.

Sa Filipino, at pati na rin sa mga ibang wika ng Pilipinas tulad ng Sebwano at Iloko, ginagamit lang ang ñ sa mga pangngalang nakabaybay sa palabaybayang Espanyol (hal. Santo Niño, ñu o "wildebeest", Palasyo ng Malacañan o Malacañan, Lungsod ng Parañaque o Parañaque, at mang-aawit na si Bamboo Mañalac). Hindi ito ginagamit sa pagsulat ng mga karaniwang salita, at isinasaling-sulat bilang ny ang ñ sa mga salitang hiram o hangò sa Espanyol.

Sa sinaunang pamamaraán ng panunulat, ginagamit ang titik na ito saliw ng "g" upang ipakita ang tunog na [ŋ], na sa kasalukuyan ay sinusulat bilang ng, na siyang ginagamit lamang sa dulo ng mga salita. Noong una, ang tilde o guhit na sa itaas ay pumapang-ibabaw sa n at g ("n͠g"), gaya sa salitang "pan͠galan", sapagkat ang payak na "ng" ay bibigkasing [ŋɡ] ("ngg"). Naging karaniwang uri ng n͠g ang "ñg" hanggang sa unang bahagî ng ika-20 dantaon sapagkat hindi kayang ipangibabaw ng mga tipaan ng makinilya ang tilde sa parehong mga titik..

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.