Li (apelyido)

apelyido

Ang Li ay ang romanisasyong Pinyin at Wade-Giles (binabaybay na , , or kapag ginamitan ng diyakritikong pangtono ng Pinyin) ng maraming natatanging apelyidong Tsino na isinulat sa iba't ibang titik na Tsino. Ang Li (李) ang pinaka-pangkaraniwan sa mga iyon na ginagamit ng halos 93 milyong katao sa Tsina,[1] at ng higit 100 milyong katao sa buong mundo.[2] Iyon din ang pangalawang pinaka-pangkaraniwang apelyidong Tsino sa sumunod lang sa Wang.[1]

Sa paggamit lang ng alpabetong Latin sa iba mga wika ay hindi agad matutukoy ang mga kaibahan sa iba't ibang mga apelyidong Tsino na inilalarawan ang apelyidong Li.

Tala ng mga apelyidong romanisado bilang "Li" o "Lee"

baguhin
  • Lǐ 李 (ikatlong tono), ang ikalawang pinaka-pangkaraniwang apelyido sa Tsina, na ginagamit ng halos 100 milyong katao sa buong mundo. Nangangahulugang "siruwelas" (plum) ang karakter ng naturang apelyido. Karaniwan itong binabaybay bilang Lee sa Hong Kong, Macau, Taiwan, at iba pang pamayanang Tsino sa ibayong-dagat. Binibigkas iyon bilang "Lei" sa Kantones. In Biyetnam, binabaybay iyon bilang "Lý", na hindi dapat ikalito sa "Lê".
  • Lǐ 理 (ikatlong tono), ang unang tunay na anyo ng Lǐ (李), na ngayon ay bibihira na lang. Nangangahulugang "dahilan" o "hatol" ang naturang karakter.
  • Lí 黎 (ikalawang tono), ang ika-84 na pinaka-pangkaraniwang apelyido sa Tsina. "Lai" ang romanisayon sa Kantones. Nangangahulugang "madilim" ang naturang karakter.
  • Lì 栗 (ika-apat na tono), ang ika-249 na pinaka-pangkaraniwang apelyido sa Tsina. "Leut" ang romanisayon sa Kantones. Nangangahulugang "kastanyas" ang naturang karakter.
  • Lì 利 (ika-apat na tono), ang ika-299 ang naturang karakter Nangangahulugang "pakinabang", "kita" (income""), or "tubo" (interest) ang naturang karakter.
  • Lì 厲/厉 (ika-apat na tono). "Lai" ang romanisayon sa Kantones. Nangangahulugang "mahigpit" (strict) or "malala" (severe) ang naturang karakter.
  • Lì 酈/郦 (ika-apat na tono). "Lik" ang romanisayon sa Kantones. Ginagamit lang ang karakter sa mga pangngalang pantangi at walang ibang kahulugan.
  • Lì 莉 (ika-apat na tono), isang bihirang apelyido ng mga Hui. Nangangahulugang "sampagita" o "kampupot" ang naturang apelyido.

Mga kaugnay na apelyido

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 最新版百家姓排行榜出炉:王姓成中国第一大姓. Xinhua News Agency (sa wikang Tsino). 2013-04-15. Nakuha noong 2013-11-21. {{cite news}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 李姓起源 (sa wikang Tsino). Eastday. 2013-05-29. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2013-11-20. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.