Limbag-kahoy ni Flammarion

Ang limbag-kahoy ni Flammarion o Flammarion woodcut [Ingles] ay isang ukit sa kahoy ng di kilala na may-akda (inakalang isang woodcut). Pinangalanan itong Flammarion woodcut dahil una itong nakita sa L'atmosphère: météorologie populaire (1888) ("Ang Atmosperya: Tanyang na Meteorolohiya") ni Camille Flammarion.[1]

Larawan at kapsyon galing sa pahina 163 ng L'atmosphère: météorologie populaire, ni Camille Flammarion, 1888.

Paglalarawan

baguhin

Nagpapakita ito ng isang lalaki na nakabihis bilang isang pilgrim noong Gitnang Panahon na may hawak na tungkod. Nakasilip ito sa labas himpapawid na parang tabing upang makita kung paano umaandar ang kalawakan. Isa sa mga elemento ng kosmik na makita ay katulad ng mga tradisyonal na paglalarawan ng "gulong sa gitna ng gulong" na nilarawan sa mga nakita ni propeta Ezekiel (silipin ang Merkabah). Ang kapsyon sa aklat ni Flammarion ay masasalin bilang "Isang misyonero ng Gitnang Panahon ang nagsabing nakita niya kung saan nakadikit ang himpapapawid at Mundo..." Ang larawan ay may kasamang teksto na nagsasabing "Ano kaya itong bughaw na himpapawad, na hindi naman nadirito, na nagtatago ng mga bituin kapag umaga? ... Subalit itong dome ay wala naman dito. Sa isang lobo, ako ay tumaas na mas mataas pa sa lugar kung saan dapat namumuhay ang mga diyos na Griyego na hindi nakakapunta sa lugar na ito, dahil nawawala ito ng kasing bilis na paglapit natin dito."[2] Ang larawan sisabing mebedal ayon sa kanyang istilong biswal, ang kakaiba nitong paglalarawan ng sanlibuton ay parang isang paglalarawan ng patag na Mundo. Sinasabing ito ay ilustrasyon lamang at imposible ang ginagawa ng manlalakbay dahil walang dome at hindi patag ang Mundo.

Kasaysayan

baguhin

Noong 1957, ang astronomer na si Ernst Zinner ay nagsabi na ang larawan ay galing sa isang Aleman na katha ng sining na nagmula pa sa ika-16 na siglo, subalit hindi siya makakita ng ibang bersyon na nilathala ng mas maaga pa sa 1906.[3] Ang mas malalim na pagsasaliksik ay nagpakita na ang katha ay mga pinagsasamang imahe ng mga estilo ng iba't ibang panahong pangkasaysayan at nilikha ito gamit ang isang burin, isang gamit ng mang-uukit, na ginagamit sa pag-ukit ng kahoy noong ika-18 na siglo. Ang larawan ay natuntun sa libro ni Flammarion ng hiwalay nila Arthur Beer, isang astrophysicist at historian ng Aleman na Agham sa Unibersidad ng Cambridge at Bruno Weber ang kurator ng mga pambihirang aklat sa sentra na aklatan ng Zürich.[4]

 
Universum – Flammarion woodcut, Paris 1888, kinulayan ni Heikenwaelder Hugo, Wien 1998

Ayon kay Weber sa astronomer na si Joseph Ashbrook,[5] ang pagsasalarawan ng isang pabilog na makalangit na vault na naghihiwalay sa lipa mula sa isang panlabas na lugar ay katulad sa isang ilustrasyon sa Cosmographia (1544) ni Sebastian Münster, isang aklat na maaring pag-aari ni Flammarion, isang bibliophile at nangongolekta ng mga aklat [1]. Ang ideya na ang isang pilgrim ay nakita ang lugar kung saan nakadikit ang langit at lupa ay maaring napukaw ng isang alamat tungkol kay Santo Makaryo no Rome, isang alamat sa pinahayag ni Flammarion sa kanyang libro na Les mondes imaginaires et les mondes réels ("Ang mga Mundong Kathang-Isip at mga Totoong Mundo", 1865). Si Flammarion ay naging aprentis mula pa sa gulang sa labing-dalawa sa isang manguukit na mula sa Paris at pinaniniwalaan na ang mga ilustrasyon na kanyang mga aklat ay inukit mula sa kanyang mga sariling larawang-guhit. Maaari din namang si Flammarion mismo ang gumawa ng larawan ngunit hindi pa ito napapatunayan. Walang dahilan na masasabing ang pinakaunang bersyon ay ginawa upang mapanloko tungkol sa petsa ng pagkakagawa nito.

Ang larawan ay ginamit ding ilustrasyon sa "Flying Saucers: A Modern Myth of Things Seen in the Skies" ni C. G. Jung, na nilathala noong 1959. Ginamit din itong ilustrasyon sa pabat ng The Discoverers (1983) ni Daniel J. Boorstin, isang pahayag ukol sa Kasaysayan ng Agham. Ang Flammarion woodcut a ginagamit sa pagsasalarawan ng siyentipiko o di kaya mistikal na paghahanap ng kaalaman.

Sanggunian

baguhin
  1. Flammarion, Camille (1888). L'atmosphère: météorologie populaire ("The Atmosphere: Popular Meteorology"). Paris. p. 163.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  2. "Quotation from "The atmosphere", p. 163". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-12-02. Nakuha noong 2008-12-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. E. Zinner, in Börsenblatt für den Deutschen Buchhandel, Frankfurt, 18 March 1957
  4. B. Weber, in Gutenberg Jahrbuch, p. 381, 1973
  5. J. Ashbrook, Sky & Telescope, p. 356, May 1977

Panlabas na Kawing

baguhin
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.