Limnolohiya
Ang limnolohiya (Ingles: limnology) ay ang pag-aaral ng mga katubigan na hindi bahagi ng mga karagatan o ng mga dagat. Ang mga katubigang pinag-aaralan sa limnolohiya ang mga ilog, mga lawa, mga latian, mga tubig sa ilalim ng lupa, at maging ang mga katawan ng tubig na gawa ng mga tao. Binibigyang kahulugan din ito bilang ang makaagham na pag-aaral ng buhay at kababalaghan o penomena sa panloob na mga katubigan, kabilang ang mga lawa, kailugan, mga batis, at mga lupang basa. Ang mga siyentipikong nagsasagawa ng ganitong pag-aaral ay tinatawag na mga limnologo o mga limnolohista. Ang kanilang mga gawain ay kinasasangkutan ng biyolohiya, kimika, heolohiya, at hidrolohiya.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.