Linda Ronstadt
Si Linda Ronstadt (ipinanganak noong 15 Hulyo 1946) ay isang Amerikanang artistang nagrerekord ng tugtuging popular. Nagkamit siya ng labing-isang Gantimpalang Grammy, dalawang mga gantimpala ng Akademya ng Tugtuging Panlalawigan, isang Gantimpalang Emmy, isang Gantimpalang ALMA, maraming mga album na gold, platinum at multiplatinum na nabigyan ng katibayan o sertipiko sa Estados Unidos at internasyunal, bilang karagdagan sa mga nominasyon sa Gantimpalang Tony at Ginintuang Globo.
Linda Ronstadt | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Linda Maria Ronstadt[1] |
Kapanganakan | 15 Hulyo 1946 |
Pinagmulan | Tucson, Arizona, Estados Unidos |
Genre | Rock, rock and roll, musika ng kantahing-bayan, rock na panglalawigan, jazz, Latinong Amerikano, Cajun, malaking banda, pop rock, sining na rock, opereta |
Trabaho | Mang-aawit, manunulat ng awitin, musikera, produser ng rekord, aktres |
Instrumento | Tinig, gitara, perkusyon |
Taong aktibo | 1967–kasalukuyan |
Label | Capitol, Asylum, Verve |
Bilang mang-aawit, manunulat ng awit, at prodyuser ng rekord, kinikilala siya bilang isang depinitibo o tiyak na tagapagtanghal at tagapagpaunawa (interprete) ng mga awit.[2] Bilang isa sa pinaka malikhain at matagumpay na pangkumersiyong babaeng manganganta sa larangan ng musika sa kasaysayan ng Estados Unidos, kinikilala siya dahil sa kanyang maraming mga yugtong pampubliko ng muling pag-imbento ng sarili at mga inkarnasyon.[3]
Bilang may isang ulit na katayuan bilang Reyna ng Rock,[4][5] kung saan nagawaran siya ng pamagat na "pinaka mataas na kumikitang babae sa rock",[6][7] at nakilala bilang Unang Ginang ng Rock, siya ay mas kamakailang bumangon bilang matriyarka ng musika, tagapagtaguyod ng sining na internasyunal[3] at tagapagtangkilik ng mga karapatang pantao.[8][9]
Nakipagtulungan si Ronstadt sa mga artista mula sa isang samu't saring espektro ng mga henero - kabilang sina Billy Eckstine,[10] Frank Zappa, Rosemary Clooney, Flaco Jiménez, Philip Glass, Carla Bley, The Chieftains, Gram Parsons, Dolly Parton, Kate at Anna McGarrigle at isinaliw ang kanyang tinig sa mahigit sa 120 mga album sa buong mundo.[11] Kinilala siya ni Christopher Loudon ng Jazz Times noong 2004, na nagsasabing "Pinagpalang may maipagtatanggol na pinaka dalisay na pangkat ng mga tubo (ng tinig) ng kanyang salinlahi ... pinaka bihira sa mga hindi karaniwan - isang balubid na makahahalo sa anumang panlikod na palamuti ngunit nananatiling matapang (sa timpla) ang pagiging bukod-tangi ... Isa itong natatanging handog; isang pinagsasaluhan ng mangilan-ngilang iba pa."[12]
Sa kabuuan, nakapagpakawala siya ng mahigit sa 30 solong mga album, ng lampas sa 15 mga album na kumpilasyon (kalipunan) o pinaka mahuhusay na mga patok. Nakapagtalangguhit si Ronstadt ng tatlumpu't walong mga singgulo sa Billboard Hot 100 ("100 Maiinit [na tugtugin] sa Billboard"), dalawampu't isa sa mga ito ang umabot sa pangunahing 40 (Top 40), na sampu sa mga ito ang nakarating sa pangunahing 10, na tatlo ang rumurok sa #2, na ang #1 naging sikat ay ang "You're No Good". Sa Nagkakaisang Kaharian, ang kanyang singgulong "Blue Bayou" ay nakarating sa Pangunahing 40 ng Nagkakaisang Kaharian[13] at ang tambalan nila ni Aaron Neville, sa "Don't Know Much", ay rumurok sa #2 noong Disyembre 1989.[14] Bilang dagdag, nakapagtalungguhit siya ng tatlumpu't anim na mga album, sampung mga album na Top 10 (pangunahing sampu), at tatlong #1 na mga album sa Talangguhitan ng Album na Pop ng magasing Billboard. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[15]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Erlewine, Stephen Thomas. "( ( ( Linda Ronstadt > Biography )))". allmusic. Nakuha noong 2009-12-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ George Varga (21 Nobyembre 2004). "A 'song interpreter' for her times: Linda Ronstadt is ready to give jazz another whirl". San Diego Union Tribune. Nakuha noong 2008-08-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Patricia Leigh Brown (2008-09-19). "Once a Rock Star, Now a Matriarch of Mariachi". The New York Times. Nakuha noong 2009-04-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ed Ward (21 Pebrero 1978). "The Queens of Rock: Ronstadt, Mitchell, Simon and Nicks talk of their men, music and life on the road". Us Weekly. Nakuha noong 2007-04-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Linda Ronstadt". Rolling Stone. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-17. Nakuha noong 2007-05-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Linda Down The Wind". Time. 28 Pebrero 1977. Nakuha noong 2008-08-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gerri Hirshey. We Gotta Get Out of This Place: The True, Tough Story of Women in Rock. Grove Press. p. 86. Nakuha noong 2007-05-11.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stephen Lemons (28 Abril 2010). "Linda Ronstadt Returns, Joe Arpaio Hunts Hispanics, and ACLU Announces Plans to Sue Over SB 1070". The Phoenix New Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-30. Nakuha noong 2010-04-30.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jenny Stewart (26 Agosto 2009). "Linda Ronstat's Gay Mission". Planet Out. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-31. Nakuha noong 2010-04-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Playboy After Dark DVD Collection". God Bless the Child Linda Ronstadt and Billy Eckstine Oktubre 1969 Duet. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-08-21. Nakuha noong 2009-08-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Linda Ronstadt Guest Appearances and Unique Recordings" (PDF). 12 Setyembre 2006. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-05-09. Nakuha noong 2007-08-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Christopher Loudon (Disyembre 2004). "Linda Ronstadt: Hummin' to Myself (Verve)". JazzTimes. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-13. Nakuha noong 2007-04-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Linda Ronstadt". Chart Stats. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-22. Nakuha noong 2009-09-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Don't Know Much". Chart Stats. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-24. Nakuha noong 2009-09-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 27 Marso 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)