Lindol sa Luding ng 2022
Isang malakas na lindol ang magnitud 6.6 ang yumanig sa lalawigan ng Sichuan sa Tsina noong Setyembre 5, 2022 dakong 12:52 pm ng tanghali, Ang episentro ng lindol ay nasa layong 226 km (140 mi) mula sa lungsod ng Chengdu o 43 km (27 mi) sa timog silangan ng Kangding, 88 katao ang nasawi, 423 ang mga naiulat na sugatan at 30 ang nawawala, Mahigit 13,000 mga kabahayan ang nasira ng lindol at ilang mga imprastraktura ang napinsala, ito ay isa sa malalang pag-lindol kasunod ng lindol noong Lindol sa Jiuzhaigou ng 2017.[1]
UTC time | 2022-09-05 04:52:19 |
---|---|
ISC event | 624749357 |
USGS-ANSS | ComCat |
Local date | 5 Setyembre 2022 |
Local time | 12:52 p.m. |
Magnitud | 6.6 Mww, 6.8 Ms |
Lalim | 16 km (9.9 mi) |
Lokasyon ng episentro | 29°43′34″N 102°16′44″E / 29.726°N 102.279°E |
Uri | Strike-slip |
Pinakamalakas na intensidad | Padron:CSIS |
Mga kasunod na lindol | 114 recorded |
Nasalanta | 88 patay, 423 sugatan, 30 nawawala |
Tektoniko
baguhinAng lalawigan ng Sichuan ay isa sa mga complex zone na kung saan nagkakaroon ng collision gawa ng Indian Plate at ng Eurasian Plate kaya't nabuo ang Tibetan Plateau. Mayroong mga sistemang palya ang: Altyn Tagh, Kunlun, Haiyuan at Xianshuihe.[2]
Lindol
baguhinAng lindol ay naglabas ng enerhiyang aabot sa 6.8 na lindol na may lalim na 16 km (9.9 mi) na pumapalo sa magnitud 6.7 (Mw ).
Epekto
baguhinHabang tumama ang isang malakas na 6.7 na lindol sa probinsya ng Sichuan ay humaharap ang mga tao sa isang COVID-19 lockdown partikular sa kabisera ng Chengdu na nagsagawa ng hard lockdown dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19.
Nasawi
baguhinMahigit 88 mga katao ang naiulat na nasawi, 423 ang nawawala at 30 ang mga nawawala, Ang lalawigan ay nakapagtala ng higit na 50 patay at 264 sa Ganzi Prefecture.
Pinsala
baguhinMahigit 243 mga kabahayan ang nasira, At 13,010 ang mga establisyemento ang gumuho.