Lindol sa Elâzig (2010)
Ang Lindol sa Turkiya noong 2010 ay isang 5.9 Mw na lindol noong 8 Marso 2010.[1][2] at 2:32 UTC. Ang sentro ay sa Basyurt sa lalawigan ng Elâzig. Ayon sa global news channels, hindi bababa sa 57 ang namatay. Hindi bababa sa isangdaang katao ang dinala sa pagamutan, karamiha'y matapos malaglag at tumalon sa mga gusali habang lumilindol.[2][3] A stampede through the streets led to further injuries.[4] Patuloy pa ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi.[5]
Petsa | 8 Marso 2010 |
---|---|
Kalakhan | 5.9 Mw [1] |
Lalim | 10 kilometro (6.2 mi) [1] |
Sentro nang lindol | Elazig, Turkey |
Mga bansa/ rehiyong apektado |
Turkey |
Nasawi | at least 57[2] |
Marami ang gumamit ng mga sasakyan at mga taksi para magtungo sa pagamutan.[6] Maraming tao ang natutulog pa ng maganap ang lindol,[6] kung saan apat na magkakapatid ang nadaganan sa isang bahay.[7][8] Marami ring hayop ang namatay dahil sa lindol.[6] May ilang Minaret din ang gumuho.[7]
Ayon sa mga opisyal karamihan sa mga namatay ay galing sa tatlong kanayunan: Okcular, Yukari Kanatli at Kayali.[2] Nakita ang mga nasawi sa mga lima o anim na mga kanayunan.[6][9] Nagsilikas na ang mga mamamayan mula sa mga gusali at sa labas na lamang nagpalipas ng gabi kung saan nagsindi sila ng apoy sa mga lansangan para pampainit.[6]
Naganap ang lindol isang linggo matapos iulat ng Turkish chamber ng mga inhenyirong sibil sa parlamento na kulang ang mga proyekto sa mga gusali at ang posibilidad na pagkawasak ng Istanbul dahil sa lindol na maaaring ikamatay ng libo-libong mga tao anumang taon sa darating na tatlong dekada.[10]
Resulta
baguhinAgad na nagpunta ang mga hukbo ng kagipitan sa Kovancilar.[11] Naiulat sa Okcular ang pagguho ng tatlumpong kabahayan at bilang ng namatay na mahigit 17.[2] Ayon sa mga ulat mula sa lugar "gumuho lahat at walang natirang mga bato".[2][9] Isinara na ang nayon sa trapiko para makarating doon ang mga hukbo ng kagipitan.[6] Sa Yukari Demirci naman hindi bababa sa labingtatlong katao ang namatay.[6]
Mga Aftershock
baguhinIlang aftershock ang naramdaman matapos ang lindol, ang pinakamalakas ay 5.5 magnitude[2] sa oras na 07:47:40 UTC[kailangan ng sanggunian] Isa pang aftershock na may lakas na 5.1.[6] Sa isang lugar kung saan nagkaroon ng 20 aftershock naitala ang pinakamalakas sa 4.1 kalakhan.[7] Pinayuhan ang mga mamamayan na lumayo na muna sa mga gusali sa loob ng ilang araw dahil sa mga maaari pang aftershock.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "5.9-magnitude earthquake shakes Turkey". CNN. 7 Marso 2010. Nakuha noong 7 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "Strong earthquake hits eastern Turkey". BBC News. Nakuha noong 2010-03-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Strong quake in eastern Turkey kills 51". The Sydney Morning Herald. 8 Marso 2010. Nakuha noong 8 Marso 2010.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nick Iliev (8 Marso 2010). "Many dead in strong Turkey earthquake". The Sofia Echo. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Marso 2010. Nakuha noong 8 Marso 2010.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Death toll from Turkish quake climbing". news.com.au. 8 Marso 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Marso 2010. Nakuha noong 8 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 6.7 6.8 Kadir Konuksever (8 Marso 2010). ".0 earthquake hits eastern Turkey, kills 57". Houston Chronicle. Nakuha noong 8 Marso 2010.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 7.0 7.1 7.2 Andy Jack (8 Marso 2010). "Deadly Earthquake Hits Eastern Turkey". Sky News. Nakuha noong 8 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Earthquake rocks eastern Turkey". Al Jazeera. 8 Marso 2010. Nakuha noong 8 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Sebnem Arsu (8 Marso 2010). "Quake Kills Dozens in Eastern Turkey". The New York Times. Nakuha noong 8 Marso 2010.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Earthquake warning for Turkey". Al Jazeera. 4 Marso 2010. Nakuha noong 8 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "11 killed, over 20 injured in earthquake in Turkey". Xinhua News Agency. 8 Marso 2010. Nakuha noong 8 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)