Linga
Ang linga (Sesamum indicum) ay isang uri ng halaman sa saring Sesamum. Marami itong ligaw na kamag-anak sa Aprika, at may mas maliit na bilang din sa Indiya.[1] Naturalisado ito sa maraming tropikal na rehiyon sa buong mundo at itinatanim para sa mga nakakaing buto nito na lumalaki sa loob ng mga bayna ng halaman. Noong 2018, 6 milyong tonelada ang naiprodyus ng mundo, at pinakamarami ang naiprodyus ng Sudan, Myanmar, at Indiya.[2]
Linga | |
---|---|
Halamang linga | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Lamiales |
Pamilya: | Pedaliaceae |
Sari: | Sesamum |
Espesye: | S. indicum
|
Pangalang binomial | |
Sesamum indicum |
Isa sa mga pinakaunang pananim na pinagkukunan ng langis ang buto ng linga, dinomestika higit sa 3,000 taon ang nakalipas. Maraming iba pang espesye ang Sesamum, karamihan ay ligaw at katutubo sa subsaharyanong Aprika.[1] Nagmula sa Indiya ang S. indicum, o ang uri na nililinang.[3][1] Nananatiling buhay ito sa tagtuyot, tumutubo kung saan nabibigo ang ibang pananim.[4][5] May isa sa mga pinakamaraming nilalamang langis ang linga sa mga binhi. Malinamnam at malanuwes ang lasa nito, at isa itong karaniwang sangkap sa mga iba't ibang lutuin sa mundo.[6][7] Tulad ng mga ibang pagkain, nakakaalerhiya ito sa ilang tao, at isa ito sa siyam na pinakakaraniwang alerheno na binalangkas ng Food and Drug Administration (FDA).[8][9]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Bedigian, Dorothea (2015-01-02). "Systematics and evolution in Sesamum L. (Pedaliaceae), part 1: Evidence regarding the origin of sesame and its closest relatives". Webbia. University of Florence. 70 (1): 1–42. Bibcode:2015Webbi..70....1B. doi:10.1080/00837792.2014.968457. ISSN 0083-7792. S2CID 85002894.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sesame seed production in 2018, Crops/World Regions/Production Quantity from pick lists" [Produksiyon ng buto ng linga noong 2018, Mga Pananim/Mga Rehiyon sa Mundo/Dami ng Produksyon mula sa mga listahan ng pinili] (sa wikang Ingles). UN Food and Agriculture Organization Corporate Statistical Database (FAOSTAT). 2020. Nakuha noong 15 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ T. Ogasawara; K. Chiba; M. Tada (1988). "Sesamum indicum L. (Sesame): In Vitro Culture, and the Production of Naphthoquinone and Other Secondary Metabolites". Sa Y. P. S. Bajaj (pat.). Medicinal and Aromatic Plants X [Mga Halamang Gamot at Aromatiko X] (sa wikang Ingles). Springer. ISBN 978-3-540-62727-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Raghav Ram; David Catlin; Juan Romero & Craig Cowley (1990). "Sesame: New Approaches for Crop Improvement" [Linga: Mga Bagong Diskarte para sa Pagpapabuti ng Pananim] (sa wikang Ingles). Purdue University.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ D. Ray Langham. "Phenology of Sesame" [Penelohiya ng Linga] (PDF) (sa wikang Ingles). American Sesame Growers Association. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-06-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ray Hansen; Diane Huntrods (Agosto 2011) [2005]. "Sesame profile" [Perpil ng linga] (sa wikang Ingles). Agricultural Marketing Resource Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ E.S. Oplinger; D.H. Putnam; atbp. "Sesame" [Linga] (sa wikang Ingles). Purdue University.
- ↑ Adatia, A; Clarke, AE; Yanishevsky, Y; Ben-Shoshan, M (2017). "Sesame allergy: current perspectives (Review)" [Alerhiya sa linga: mga kasalukuyang pananaw (Pagsusuri)]. Journal of Asthma and Allergy (sa wikang Ingles). 10: 141–151. doi:10.2147/JAA.S113612. ISSN 1178-6965. PMC 5414576. PMID 28490893.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Food Allergy Safety, Treatment, Education, and Research Act of 2021 or the FASTER Act of 2021". Congress.gov (sa wikang Ingles). 4 Abril 2021. Nakuha noong 5 Marso 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)