Serbisyong pangmamamayan

(Idinirekta mula sa Lingkod bayan)

Ang salitang serbisyong pangmamamayan o paglilingkod sa bayan ay maaaring tumukoy sa isang sangay ng serbisyong pampamahalaan kung saan ang mga indibiduwal ay kinukuha batay sa kagalingang naipakita sa kompetetibong papgsusuri; o sa hanay ng mga empleyado sa kahit anong ahensya ng gobyerno bukod sa militar, na hiwalay sa kahit anong pamahalaan.

Ang isang lingkod bayan ay isang tao na nasa pampublikong sektor na nagtratrabaho para sa isang sangay ng pamahalaan, at hindi sa partidong pampolitika.[1][2] Ang katayuan ng mga lingkod sibil ng isang estado bilang bahagi ng "serbisyong sibil" ay magkakaiba sa bawat bansa. Tulad ng sa Reyno Unido, ang kawani ng Korona (pambansang pamahalaan) lamang ang tinatawag na lingkod sibil nguni't hindi ang mga empleyado sa lokal na pamahalaan.

Marami ang nagsasabi na ang pag-aaral ng serbisyong sibil ay bahagi ng pampublikong pamamahala. Ang mga manggagawa sa di pangkagawaran ng katawang publiko ay maaari ring iuring lingkod sibil hingil sa estadistika at marahil para sa kanilang mga tuntunin at kundisyon. Sa kabuuan, binubuo ng lingkod sibil ng estado ang kanyang serbisyong sibil o serbisyong pampubliko

Kasaysayan

baguhin

Sa Tsina

baguhin
 
Bulwagan ng Pagsusulit ng Serbisyo Sibil Imperyal na may 7500 selda sa Guangdong, 1873
 
Si Emperador Wen of Sui (r. 581–604), na itinatag ang unang sistema ng pagsusulit sa serbisyo sibil sa Tsina; isang pinta ng kansilyer at pintor na si Yan Liben (600–673).

Mababakas ang pinagmulan ng makabagong meritokratikong serbisyo sibil sa pagsusulit Imperyal sa Tsinang Imperyal.[3] Nakabatay ang pagsusulit Imperyal sa merito na dinisenyo upang piliin ang pinakamagaling na mga adminstratibong opisyal para sa burokrasya ng estado.[4] Malaki ang impluwensiya ng sistemang ito sa parehong lipunan at kalinangan ng Tsinang Imperyal at direktang responsable sa paglikha ng isang uri ng iskolar-burokrata anuman ang kanilang angkan.[5]

Pampublikong sektor

baguhin

Ang pampublikong sektor ang bahagi ng ekonomiya ng isang bansa na nauukol sa pagbibigay ng mga serbisyong pampamahalaan o pampubliko na kinabibilangan ng kapulisan, militar, mga lansangan na pampubliko, pampublikong edukasyon at pangangalaga ng kalusugan para sa mga mahihirap.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "UK Civil Service - Definitions - What is a Civil Servant?". civilservant.org.uk (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Oktubre 2019. Nakuha noong 5 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Managing Conflict of Interest in the Public Service - OECD". Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) (sa wikang Ingles). 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-08-05. Nakuha noong 2018-12-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "China's Examination Hell: The Civil Service Examinations of Imperial China". History Today (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 19, 2012. Nakuha noong Oktubre 25, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Imperial China: Civil Service Examinations" (PDF) (sa wikang Ingles). Princeton University. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Abril 1, 2011. Nakuha noong Oktubre 25, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Confucianism and the Chinese Scholastic System: The Chinese Imperial Examination System" (sa wikang Ingles). California State Polytechnic University, Pomona. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 18, 2000. Nakuha noong Disyembre 7, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)