Ang Linyang Naic ay isang dating linyang daangbakal na pinatakbo ng Kompanyang Daambakal ng Maynila (na ngayon ay Pambansang Daambakal ng Pilipinas). Ang linya ay kumokonekta mula sa Paco hanggang sa Naic, Kabite. Ito ay isang extensyon ng Linyang Kabite mula sa Noveleta, Kabite.

Linyang Naic
Buod
UriRiles panrehiyonal
KalagayanInabandona
LokasyonKalakhang Maynila at Lalawigan ng Kabite
HanggananPaco
Naic
Operasyon
Binuksan noongEnero 1, 1912
Isinara noongOktubre 20, 1936
May-ariKompanyang Daambakal ng Maynila
Teknikal
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)

Kasaysayan

baguhin

Kabilang ang Linyang Naic sa Linyang Kabite na nabuo noong Mayo 11, 1908, idinuktong ito mula sa Linyang Noveleta na binuksan noong 1912.

Ang linya ay tumigil sa pagpapatakbo at inabandona noong 1936, kasama na ang riles sa pagitan ng Las Piñas at Naic ay inalis noong 1937 at noong 1938, sa wakas ay pinawalang-bisa ang nalalabing bahagi hanggang sa Paco.

Bagaman ang pag-alis ng riles ay pinawalang-bisa, ang ilang mga tulay ay pinanatili upang muling magamit ng mga residente. Ang dalawang tulay ay matatagpuan sa Barangay Halayhay, Tanza, Cavite, bagaman wala na itong riles.

Tingnan din

baguhin