Linyang Negishi
Ang Linyang Negishi (根岸線 Negishi-sen) ay isang linyang daangbakal sa Hapon na nag-uugnay sa Estasyon ng Yokohama at Ōfuna. Pinapatakbo at pagmamay-ari ito ng East Japan Railway Company (JR East). Tumatakbo rin ng mga pangkargadang tren sa linyang ito, at kinakailangan ito sa katimugang rehiyon ng Keihi.
Linyang Negishi | |||
---|---|---|---|
Buod | |||
Uri | Mabigat na daangbakal | ||
Lokasyon | Prepektura ng Kanagawa | ||
Hangganan | Yokohama Ofuna | ||
(Mga) Estasyon | 12 | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1872 | ||
May-ari | JR East | ||
(Mga) Nagpapatakbo | JR East, JR Freight | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 22.1 km (13.7 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
Pagkukuryente | 1,500 V DC overhead catenary | ||
Bilis ng pagpapaandar | 95 km/h (60 mph)* | ||
|
Hindi malayang nagserserbisyo ang Linyang Negishi dahil lahat ng mga pampasaherong tren ay ginagamit sa Linyang Keihin-Tōhoku sa Yokohama hanggang Kamata, Tokyo, at Ōmiya; bilang resulta, tipikal na tinutukoy ang kabuuang serbisyo sa pgitan ng Ōmiya at Ōfuna na Linyang Keihin-Tōhoku—Negishi (京浜東北線・根岸線) sa mapa ng sistema at mga pantulong na karatula. Nakikilala ang mga tren ng Linyang Keihin-Tōhoku—Linyang Negishi dahil sa kulay magaan na asul sa bahagi ng tren (magaan na asul din ang kulay ng linya sa mga mapa).
Tumatahak din ang ilang tren sa Hachiōji gamit ang Linyang Yokohama.
Impormasyon
baguhin- Dalawahang trakto: Kabuuan ng linya
- Railway signalling: Automatic Train Control (ATC)
Estasyon
baguhin- Makikita lahat ng estasyon sa Prepektura ng Kanagawa.
- Humihinto lahat ng tren sa bawat estasyon.
Talababa
baguhin- Harris, Ken and Clarke, Jackie. Jane's World Railways 2008-2009. Jane's Information Group (2008). ISBN 0-7106-2861-7
Mga kawing panlabas
baguhin- Mga estasyon ng Linyang Negishi (JR East) (sa Hapones)
- Websayt ng JR East (sa Hapones)