Lipad 522 ng Helios Airways
Ang lipad 522 ng Helios Airways ay isang Boeing 737-31S ng Helios Airways na bumangga noong Agosto 14, 2005 sa hilaga ng Marathon at Varnavas sa Gresya. Palipad ito patungong Atenas at pagkatapos papuntang Prague. Nahanap ang labi ng eroplano malapit sa pamayanan ng Grammatiko, 40 kilometro sa hilaga ng Atenas. 121 katao, kabilang na ang 115 pasahero at anim na tripulante, ang namatay.
Buod ng Insidente | |
---|---|
Petsa | Agosto 14, 2005 |
Buod | Pagsalanta ng piloto dahil sa unti-unting hipoksiya, pag-ubos ng panggatong |
Lokasyon | Marathon, Gresya |
Pasahero | 115 |
Tripulante | 6 |
Nasaktan (hindi namatay) | 0 |
Namatay | 121 |
Nakaligtas | 0 |
Tipo ng sasakyan | Boeing 737-300 |
Tagapamahala | Helios Airways |
Rehistro | 5B-DBY |
Ang sanhi ng pagbangga nito ay dahil sa dekompresyon ng katawan ng eroplano, na nagresulta sa hipoksiya. Ayon sa mga imbestigasyon, nakalagay sa pangkamay at hindi sa automatiko pagkatapos ng isang pagsisiyasat ng presurisasyon, at hindi nagkaroon ng presurisasyon sa katawan ng eroplano sa pagtaas nito. Dahil dito, nasalanta ang mga piloto ng lipad, at unti-unting naubusan ng panggatong ang eroplano hanggang sa ito'y mabangga sa lugar na binanggan nito.
Karamihan sa mga pasahero ay mga taga-Cyprus, kung saan ang mayoridad ay mga Griyegong Cypriot. May isa ring pamilyang Armenyo sa lipad, at 16 mamamayang Griyego.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Abyasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.