Lipad 804 ng EgyptAir

Ang EgyptAir Lipad 804 (MS804/MSR804) ay isang internasyonal na pampasaherong lipad mula Paris Charles de Gaulle Airport papuntang Cairo International Airport, na pinatatakbo ng EgyptAir. Ito ay nawawala noong 19 Mayo 2016 sa 02:45 oras sa Egypt (UTC+2).[1]

Limampung-anim (56) na pasahero at sampung (10) tripulante ang nakasakay sa lipad. Naniniwala ang mga awtoridad ng Egypt na ang eroplano ay maaring bumagsak sa Dagat Maditerranean. Isang multinasyonal na operasyong paghanap at pagsagip ang kasalukuyang ginaganap.[2][3][4]

Sa isang press conference, sinabi ni Greek Defence Minister Panos Kammenos na, batay sa radar data, lumiko ng landas ang Lipad 804 ilang sandali pagkatapos makapasok sa Egyptian Flight Information Region (PIR). Sa altitude na 37,000 feet, ang sasakyang panghimpapawid ay lumiko nang 90-degree pakaliwa, sinundan ng 360-degree na liko pakanan at nagsimulang bumaba. Nawala ang radar signal sa altitude na 10,000 feet.[5][6]

Sasakyang panghimpapawid

baguhin

Ang kasangkot na sasakyang panghimpapawid ay isang Airbus A320-232,[a] registration SU-GCC, MSN 2088.[7] Ang unang lipad nito ay noong 25 Hulyo 2003 at ito ay inihatid sa EgyptAir noong 3 Nobyembre 2003.[8] Ginawa ang isang routine maintenance check noong Miyerkules sa Cairo, bago ito umalis papuntang Paris, sabi ng isang opisyal ng airline. Ito ang ikalimang lipad ng sasakyang panghimpapawid sa araw na iyon, lumupad ito mula Asmara International Airport, Eritrea papuntang Cairo; Cairo papuntang Tunis–Carthage International Airport, Tunisia at pabalik; at Cairo papuntang Paris.[9]

Mga pasahero at crew

baguhin
Mga sakay ayon sa kabansaan
Kabansaan Blg.
  Algeria 1
  Belgium 1
  Canada 1[10]
  Chad 1
  Egypt 30[11]
  France 15[11]
  Iraq 2
  Kuwait 1
  Portugal 1
  Saudi Arabia 1
  Sudan 1
  United Kingdom 1[11]
Hindi matukoy – crew 10
Total 66

Mga pasahero

baguhin

Limampung-anim na pasahero ay sakay mula sa labindalawang bansa.[11]

Kabilang sa 10 crew mayroong tatlong tauhang panseguridad ng EgyptAir, limang flight attendants, at dalawang piloto.[12] Ayon sa EgyptAir, ang kapitan, si Mohammed Saeed Ali Ali Shokeir,[11] ay may 6,275 oras ng flying experience, kabilang ang 2,101 oras sa A320, habang ang unang opisyal, si Mohamed Ahmed Mamdouh Ahmed Asem ay 2,766 oras.[13]

 
Ruta ng lipad ng EgyptAir Lipad 804

Ang sasakyang panghimpapawid ay lumisan papuntang Cairo International Airport, mula sa Charles de Gaulle airport, noong 23:09 CEST (21:09 UTC).[14][15][16] Ito ay lumilipad sa 37,000 feet (11,000 m) sa maaliwalas na panahon nang ito ay nawala 175 milya (282 km) hilaga ng babaybayin ng Egypt,[17] sa ibabaw ng silangang Mediterranean[18][1] noong 02:30 Egypt Standard Time (00:30 UTC).[19] Ang sasakyang panghimpapawid ay nawala 3 oras sa 25 minuto sa mula sa simula ng lipad.

Ang sasakyang panghimpapawid ay inaasahang lalapag  03:05 Egypt Standard Time (01:05 UTC). Isang ELT signal ang na-detect ng Egyptian military dakong 04:26 Egypt Standard Time (02:26 UTC), dalawang oras matapos ang huling radar contact, nagpapahiwatig na ang alinman sa cockpit voice recorder o ang flight data recorder ay nabasâ, na mamaring isang resulta ng isang pagbagsak.[20]

Kinumpirma ng Airbus, ang tagagawa ng eroplano, ang katayuan nito bilang nawawala. Nagpalabas sila ng isang pahayag sa kanilang Facebook paga: "Airbus regrets to confirm that an A320 operated by Egyptair was lost at around 2:30 am (Egypt local time) today over the Mediterranean sea."[21]

Paghahanap at pagsagip

baguhin

Kinumpirma ng Egyptian Civil Aviation ministry na may itinalagang search and rescue teams upang hanapin ang nawawalang sasakyang panghimpapawid. Ginagawa ang paghahanap nang may koordinasyon sa awtoridad ng Greece. Sinabi ni Ihab Raslan, isang tagapagsalita ng Egyptian Civil Aviation Agency, na ang sasakyang panghimpapawid ay may malaking posibilidad na bumagsak sa dagat.[2] Nagpadala ang Greece ng isang Lockheed C-130 Hercules, isang EMB-145-H early warning aircraft at isang frigate na lugar upang lumahok sa paghahanap at pagsagip.[22] Nagpadala rin ang France ng mga barko at mga sasakyang panghimpapawid upang tumulong sa operasyong paghahanap at pagsagip.[23]

Sa araw ng kalamidad dakong 08:30 CEST (06:30 UTC), tinipon ni Pangulong François Hollande ng France ang ilan sa kanyang mga ministro para sa isang emergency Meeting sa Élysée Palace.[24]

Tingnan din

baguhin

Mga nota

baguhin
  1. The aircraft was an Airbus A320-200 model, also known as the A320ceo to distinguish it from the newer A320neo; the 32 specifies it was fitted with IAE V2527-A5 engines.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Karimi, Faith; Alkhshali, Hamdi (19 Mayo 2016). "EgyptAir flight disappears from radar". CNN. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "EgyptAir flight MS804 disappears from radar between Paris and Cairo – live updates". The Guardian. 18 Mayo 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2016. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "EgyptAir flight from Paris to Cairo missing with 66 on board". Reuters. 18 Mayo 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "EgyptAir flight MS804 crash: Military searching for wreckage in Mediterranean Sea, officials say". independent.co.uk. 18 Mayo 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Π. Καμμένος: Στα 10.000 πόδια χάθηκε η εικόνα του airbus - Συνεχίζονται οι έρευνες". YouTube. ERT.
  6. "EgyptAir flight MS804 crash: Plane 'swerved' suddenly before dropping off radar over Mediterranean Sea". independent.co.uk. 19 Mayo 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "SU-GCC Accident description". Aviation Safety Network. 19 Mayo 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "EgyptAir SU-GCC". Air Fleets. 18 Mayo 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Flight history for aircraft – SU-GCC". Flightradar24. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Kevin Nielsen; Jon Azpiri (Mayo 19, 2016). "EgyptAir flight from Paris to Cairo crashes in Mediterranean; Canadian among 66 on board". Toronto: Global News. The Canadian Press. Nakuha noong Mayo 19, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 11.4 "EgyptAir Flight MS804 latest updates". BBC News Online. 19 Mayo 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Walsh, Declan (19 Mayo 2016). "EgyptAir Plane Disappears Over Mediterranean, Airline Says". New York Times. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "EgyptAir says flight from Paris to Cairo missing with 66 on board". Reuters. 19 Mayo 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "EgyptAir flight MS804 disappears from radar between Paris and Cairo – live updates". The Guardian. 18 Mayo 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "EgyptAir flight 804 disappears en route from Paris to Cairo with over 60 on board". Russia Today. 19 Marso 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "EgyptAir Flight MS804 from Paris has disappeared from radar, airline says". CBC News. 19 Mayo 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "EgyptAir flight MS804 disappears from radar between Paris and Cairo – live updates: Contact lost 280km from Egyptian coast". The Guardian. 18 Mayo 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "EgyptAir Flight MS804 from Paris to Cairo 'disappears from radar'". BBC. 18 Mayo 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "EgyptAir flight MS804 disappears from radar between Paris and Cairo – live updates: Contact lost 280km from Egyptian coast". The Guardian. 18 Mayo 2016. Nakuha noong 18 Mayo 2016. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "EgyptAir flight MS804 disappears from radar between Paris and Cairo – live updates: Emergency beacon 'detected at 4.26am'". The Guardian. 19 Mayo 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Airbus confirms EgyptAir flight 804 'lost' over Mediterranean". The Guardian. 19 Mayo 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "EgyptAir flight from Paris to Cairo disappears with 66 on board". Los Angeles Times. 19 Mayo 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Crash: Egypt A320 over Mediterranean on May 19th 2016, aircraft lost over Mediterranean, ELT signal picked up". avherald.com. Nakuha noong 2016-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. La-Croix.com (19 Mayo 2016). "Avion d'EgyptAir: réunion de crise à l'Elysée". La Croix. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-20. Nakuha noong 2016-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)