Ang mga lipido ay kasama sa grupong organikong molecule na hindi sumasama sa polar solvents tulad ng tubig, nonpolar na molecule. Ang halimbawa ng mga lipido ay mga asidong mataba, oils, waxes, phospholipids, sphingolipids, glycolipids, at cholesterol. 1 Ang tawag sa lipidong matigas sa temperature ng kwarto ay taba habang ang lipidong likido sa temperature ng kwarto ay oil. Ang ibang mga lipido ay minsan linear aliphatic molecules. Ang iba naman ay may ring na estruktura. May iba naman na matibay at ang iba naman ay nababaluktot. Ang mga lipido ay may hydrophobic na buntot at hydrophilic na ulo. Ang hydrophobic ay “water fearing” habang ang hydrophilic ay “water loving”.

Mga dalawang patong na lipido sa mga birus

Ang mga lipido ay may napakahalagang papel sa ating pang araw-araw na buhay. Ginagamit ito sa ating katawan bilang imbakan ng enerhiya. Ginagamit din ito bilang estrukturang sangkap sa cell. Ginagamit din ito sa pharmaceutical bilang drug carriers.

Mga sanggunian

baguhin

[1] http://biology.clc.uc.edu/courses/bio104/lipids.htm Naka-arkibo 2010-01-11 sa Wayback Machine.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.