Ang lipunang pambayan, lipunang makabayan o lipunang sibil (Ingles: civil society) ay ang pook na nasa labas ng mag-anak, ng estado, at ng pamihilian kung saan nakikipag-ugnayan ang mga tao upang mapasulong ang karaniwang mga adhikain o mga layunin.[1] Paminsan-minsan itong itinuturing na nagsasangkot ng pamilya at mga pribadong baluwarte at pagkaraan ay tinutukoy bilang "pangatlong sekto" ng lipunan, na kaiba mula sa pamahalaan at negosyo.[2] Binigyan ito ng kahulugan ng 21st Century Lexicon ng Dictionary.com bilang (a) kabuoan o pagsasama ng mga organisasyong hindi pampamahalaan at mga institusyon na nagpapahayag ng mga kagustuhan at kapasyahan ng mga mamamayan, o (b) mga indibidwal at mga organisasyon na nasa loob ng isang lipunan na hindi umaasa sa pamahalaan.[3] Kung minsan, ang kataga ay ginagamit sa mas pangkalahatang diwa na "mga elementong katulad ng kalayaan sa pagsasalita, isang malayang puwersa ng hukuman, at iba pa, na bumubuo ng isang lipunang makademokrasya" (Collins English Dictionary).[4]

Ang kataga ay napasok sa talakayan ng madla sa Estados Unidos noong dekada ng 1990,[5] subalit ang tradisyon ng lipunang makabayan ay mas mayaman at mas matagal na ang naging pag-iral. Ang pagboboluntir ay kadalasang itinuturing bilang isang katangiang nagbibigay ng kahulugan sa mga organisasyon na bumubuo sa lipunang pambayan, na kadalasan namang natatawag bilang mga NGO (non-governmental organization o mga samahang hindi pampamahalaan), o mga NPO (non-profit organization o mga samahang hindi nakikinabang).

Mga sanggunian

baguhin
  1. CIVICUS Civil Society Index Methodology Naka-arkibo 2012-10-15 sa Wayback Machine., civicus.org
  2. What is Civil Society Naka-arkibo 2009-05-02 sa Wayback Machine. civilsoc.org
  3. civil society, World English Dictionary, dictionary.reference.com
  4. Civil society Collins English Dictionary - Complete & Unabridged, ika-11 Edisyon. Nakuha noong 2 Agosto 2012 magmula sa CollinsDictionary.com
  5. Zaleski, Pawel Stefan (2008). "Tocqueville on Civilian Society. A Romantic Vision of the Dichotomic Structure of Social Reality". Archiv für Begriffsgeschichte. Felix Meiner Verlag. 50.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.