Litob

espesye ng kabibe

Ang litob (Tegillarca granosa o Anadara granosa[2]) ay isang uri ng kabibe sa pamilyang Arcidae. Sa wikang Ingles, tinatawag itong blood cockle o blood clam dahil sa pulang hemoglobin na likido sa loob ng malambot na himaymay nito. Matatagpuan ito sa buong rehiyon ng Indo-Pasipiko mula sa silangang baybayin ng Timog Aprika pahilaga at pasilangan hanggang Timog-silangang Asya, Australya, Polinesya, at hanggang hilagang Hapon. Pangunahing namumuhay ito sa tabing-dagat mula isa hanggang dalawang metrong lalim ng tubig na nakabaon sa buhangin o putik. Kapag adulto na ito, halos 5 hanggang 6 cm ang haba at 4 hanggang 5 cm ang lapad nito.[3]

Litob
Takupis ng litob (ispesimen mula sa MNHN, Paris)
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Mollusca
Hati: Bivalvia
Orden: Arcida
Pamilya: Arcidae
Sari: Tegillarca
Espesye:
T. granosa
Pangalang binomial
Tegillarca granosa
Kasingkahulugan
  • Anadara bisenensis Schrenck & Reinhart, 1938
  • Anadara granosa (Linnaeus, 1758)
  • Anadara thackwayi Iredale, 1927
  • Anomalocardia pulchella Dunker, 1868
  • Arca aculeata Bruguière, 1789
  • Arca corbicula Gmelin, 1791
  • Arca corbula Dillwyn, 1817
  • Arca granosa (Linnaeus, 1758)
  • Arca granosa kamakuraensis Noda, 1966
  • Arca nodulosa Lightfoot, 1786 (di-wasto: homonimong diyunyor ng Arca nodulosa O. F. Müller, 1776)
  • Arca obessa Kotaka, 1953
  • Tegillarca granosa bessalis Iredale, 1939

Paggamit ng mga tao

baguhin

Akuwakultura

baguhin
 
Ang litob ay ang panguhaing baryante ng kabibe na ipinapalaki sa latiang-putik ng Look ng Anhai sa may Shuitou, Fujian.[4]

Mataas ang halaga nito sa ekonomiya bilang pagkain, at inaakuwakultura ito. Sa baybayin ng Lalawigan ng Zhejiang lamang, sumasakop ang mga lituban ng halos 145,000 mu (halos 100 km2) ng latiang-putik.[5] Ipinapalaki rin itong mga kabibe sa mga estero ng ilog ng karatig na Lalawigan ng Fujian.[4]

Sa pagluluto

baguhin

Sa Indonesya, medyo sikat na pagkain ang litob (Indones: kerang darah) at inihahain sa iba't ibang klase ng pagluluto, kabilang dito ang pinakuluan, pinrituhan, at gisado. [6]

Sa Korea, kkomak (꼬막) ang tawag sa litob at niluluto sa at tinitimplahan ng toyo, gochutgaru (pinulbos na sili), at langis ng linga.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Tegillarca granosa (Linnaeus, 1758)". World Register of Marine Species. Nakuha noong 24 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. (pata de mula)SPECIES: Tegillarca granosa (Malaysian cockle)(Anadara granosa)
  3. Pathansali, D. (1966).
  4. 4.0 4.1 Ruǎn Jīnshān; Li Xiùzhū; Lín Kèbīng; Luō Dōnglián; Zhōu Chén; Cài Qīnghǎi (阮金山;李秀珠;林克冰;罗冬莲;周宸;蔡清海), 安海湾南岸滩涂养殖贝类死亡原因调查分析 (Analisis ng mga ikinamatay ng mga pinalaking kabibe sa laitan ng putik sa timugang bahagi ng Look ng Anhai), 《福建水产》 (Fujian Aquaculture), 2005-04
  5. 泥蚶抗高氨氮、高硫化物家系选育 (Pagpaparami ng mga baryante ng litob na may resistensiya sa kapaligirang may mataas na nitroheno at sulpuro). (Pagsapit ng 2009 ang mga numero)
  6. "8 Resep olahan kerang dara paling enak, sehat, sederhana, dan praktis". 16 Hulyo 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Chung, Da-young (Disyembre 2015). "Cockles" [Sigay]. KOREA. Bol. 11, blg. 12. Korean Culture and Information Service. ISSN 2005-2162. Nakuha noong 13 Abril 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)