Little Red Riding Hood

Ang Little Red Riding Hood (Munting Pulang Naglalakbay na Nakatalukbong) ay isang Europeong kuwentong bibit hinggil sa isang batang babae at isang Malaking Masamang Lobo.[1] Ang mga pinagmulan nito ay maaaring makita pabalik sa ilang pre-ika-17 siglong Europeong kuwentong-bayan. Ang dalawang pinakakilalang bersiyon ay isinulat ni Charles Perrault[2] at ng Brothers Grimm.

Malaki ang pagbabago sa kuwento sa iba't ibang muling pagsasalaysay at sumailalim sa maraming modernong adaptasyon at pagbabasa nito. Ang iba pang mga pangalan para sa kuwento ay: "Maliit na Pulang Sumbrero" o simpleng "Pulang Naglalakbay na Talukbong". Ito ay numero 333 sa sistema ng pag-uuring Aarne–Thompson para sa mga kwentong-bayan.[3]

Kuwento

baguhin
 
"Maliit na Pulang Naglalakbay na Kapa", iginuhit sa isang antalohiya ng mga kuwento mula 1927.

Ang kuwento ay umiikot sa isang batang babae na tinatawag na Munting Pulang Naglalakbay na Kapa. Sa mga bersiyon ng kuwento ni Perrault, ipinangalan siya sa kaniyang pulang kapa/balabal na suot. Ang batang babae ay naglalakad sa kakahuyan upang maghatid ng pagkain sa kaniyang may-sakit na lola (alak at cake depende sa pagsasalin). Sa bersiyon ng Grimms, inutusan siya ng kaniyang ina na manatili nang mahigpit sa landas.

Isang Malaking Masamang Lobo ang gustong kainin ang babae at ang pagkain sa basket. Palihim niyang sinusundan siya sa likod ng mga puno, palumpong, maliliit na halaman, at mga tagpi ng maliliit at matataas na damo. Lumapit siya sa Maliit na Pulang Naglalakbay na Kapa, na walang muwang na nagsasabi sa kaniya kung saan siya pupunta. Iminungkahi niya na ang batang babae ay pumili ng ilang mga bulaklak bilang regalo para sa kaniyang lola, na ginagawa niya. Samantala, pumunta siya sa bahay ng lola at nakapasok sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang siya. Nilunok niya nang buo ang lola (sa ilang kuwento, ikinulong niya ito sa aparador) at hinihintay ang batang babae, na nakabalatkayo bilang lola.

Pagdating ng dalaga, napansin niyang kakaiba ang itsura ng kaniyang lola. Sinabi ni Munting Pula, "Ang lalim ng boses mo!" ("Mas maigi ngang ganito pananagot ko sa 'yo", tumugon ang lobo), "Ang lalaki ng mga mata mo!" ("Mas maigi ngang ganito kita makikita", sagot ng lobo), "ng lalaki ng mga kamay mo!" ("Mas maigi ngang ganito nang mayajao pa", tumugon ang lobo), at panghuli, "Ang laki ng bibig mo" ("Mas maigi ngang ganito nang makain ka!", tumugon ang lobo), at sa puntong iyon ang lobo ay tumalon palabas ng sa kama at kinakain din siya. Pagkatapos ay matutulog na siya. Sa bersiyon ng kuwento ni Charles Perrault (ang unang bersyon na inilathala), ang kuwento ay nagtatapos dito. Gayunpaman, sa mga susunod at mas kilalang bersiyon, ang kuwento ay nagpapatuloy sa pangkalahatan tulad ng sumusunod:

Isang mantotroso sa bersiyong Pranses, ngunit isang mangangaso sa Brothers Grimm at tradisyonal na bersiyong Aleman, ang sumagip gamit ang isang palakol, at pinutol ang natutulog na lobo. Si Munting Pulang Naglalakbay na Kapa at ang kaniyang lola ay lumabas na nanginginig, ngunit hindi nasaktan. Pagkatapos ay pinupuno nila ng mabibigat na bato ang katawan ng lobo. Ang lobo ay nagising at nagtangkang tumakas, ngunit ang mga bato ay naging sanhi ng kanyang pagbagsak at pagkamatay. Sa bersiyon ng Grimm, ang lobo ay umalis sa bahay at sinubukang uminom mula sa isang balon, ngunit ang mga bato sa kanyang tiyan ay naging dahilan upang siya ay mahulog at malunod.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Berlioz, Jacques (2005). "Il faut sauver Le petit chaperon rouge". Les Collections de l'Histoires (36): 63.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. BottikRuth (2008). "Before Contes du temps passe (1697): Charles Perrault's Griselidis, Souhaits and Peau". The Romantic Review. 99 (3): 175–189.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ashliman, D.L. Little Red Riding Hood and other tales of Aarne-Thompson-Uther type 333. Nakuha noong Enero 17, 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)