Si Lloyd Navera (isinilang 30 Disyembre 1975) ay isang Pilipinong direktor at prodyuser ng mga pelikulang pangdokumentaryo. Isa rin siyang prodyuser na pantelebisyon at tagapagboses.

Mga gawain

baguhin

Mula 2010 hanggang kasalukuyan, siya ay Program Manager sa GMA News and Public Affairs. Siya ang tagapagpatupad na prodyuser at direktor ng IWitness mula 2001 hanggang 2009 at ng Survivor Philippines noong 2008-2009. Isa siyang kasaping prodyuser para sa Jessica Soho Reports noong 2005, at ng Kapuso mo, Jessica Soho noong 2006. Bukod dito tagapagtinig din siya ng mga palabas na Apo Kukai in Zenki (bilang Kagetora), Fuushigi Yuugi (bilang Tamahome), Flame of Recca (bilang Recca Hanabishi), Virtua Fighter (bilang Akira Yuuki), Yusuke Oda (bilang Mr. Fuji), Hajime No Ippo(Knock-Out) bilang Alexander Volg, Hunter X Hunter (bilang Hanzo, Wing, Nobunaga at Katotsu), Super Yo-Yo (bilang Shunichi Damoto) at Gadget Boy Kanipan (bilang Namoru). Siya din ang opisyal na tagapagtinig para sa mga palabas ng Koreanong aktor na si Bae Yoong Jun tulad ng Endless Love 2 (bilang Jun/Joseph), "Hotelier" at sa The Legend.

Mga gantimpala

baguhin
  • Gawad ABU/CASBAA UNICEF Child Rights para sa Selda Inosente (2003)
  • Pinalista, Japan Prize - International Educational Program Contest para sa Iwitness Butot't-Balat (2005)
  • Best Social Awareness Program, Asian Television Awards para sa Buto't-balat (2005)
  • Tatlong gantimpala mula sa International Film and Video Festival ng Estados Unidos
  • Sertipiko para sa Creative Excellence (gantimapalang tanso) para sa dokumentaryong Pagbabalik sa Selda (2005)
  • Gantimpalang Silver Screen (pangalawang gantimpala) para sa dokumentaryong Buto't-balat (2006)
  • Gantimpalang Silver Screen (pangalawang gantimpala) para sa dokumentaryong Sa Mata ni Ekang (2007)
  • Tumanggap rin siya ng sertipikong pangpinalista para sa kategoryang dokumentaryo mula sa mga pestibal na pampelikula sa New York
  • Sabah: the new America? (2001)
  • Stray dogs (2002)
  • Uuwi na si Udong (2007)
  • Gapos (2008)
  • Alaga (2008)
  • Ambulansiyang de Paa (2009) George Foster Peabody Awards in New York
  • Sanggol at Langaw (2014) Gold World Medal New York Festivals

Sanggunian

baguhin

Mga panlabas na kawing

baguhin