Ang lobo (Ingles: balloon) ay isang supot na napapapintog at nababanat na napunan ng hangin o gas na katulad ng helium, hidroheno, oksidong nitroso, oksiheno. Ang modernong mga lobo ay yari mula sa mga materyal na katulad ng goma, polychloroprene, o isang telang nylon, habang ang ilang sinaunang mga lobo ay gawa mula sa mga pinatuyong mga pantog ng hayop, katulad ng pantog ng baboy.[1] Ang ilan sa mga lobo ay ginagamit para sa mga layunin ng pagdedekorasyon, samantalang ang iba naman ay para sa mga layuning praktikal katulad ng meteorolohiya, panggagamot, depensang militar, o transportasyon. Ang mga katangiang pag-aari ng lobo, kabilang na ang kababaan ng densidad at kababaaan ng presyo, ay humantong sa isang malawak na kasakupan ng mga paggamit. Ang imbentor ng lobong goma (ang pinaka pangkaraniwang lobo) ay si Michael Faraday, na nakaimbento nito noong 1824 sa pamamagitan ng sari-saring mga gas.[2]

Kumpol ng laruang lobo

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kasaysayan ng mga Lobo Naka-arkibo 2012-10-28 sa Wayback Machine. na nasa Helium UK
  2. Swain, Heather (2010) These Toys: 101 Clever Creations Using Everyday Items Penguin, 2010

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.