Locorotondo
Ang Locorotondo (Barese: U Curdunne) ay isang bayan at komuna sa Kalakhang Lungsod ng Bari, Apulia, Katimugang Italya, na may populasyon na halos 14,000. Ang lungsod ay kilala sa mga alak nito at sa paikot na estruktura na ngayon ay isang sentrong pangkasaysayan, kung saan nagmula ang pangalan nito, na nangangahulugang "Pabilog na pook". Matatagpuan ito sa timog-silangan ng Murgia, sa malalim na bahagi ng Lambak Itria, na tinutuldukan ng puting prehistorikong paikot na bahay na tinatawag na mga trullo.
Locorotondo | |
---|---|
Comune di Locorotondo | |
Tanaw mula sa lambak Itria | |
Mga koordinado: 40°45′N 17°19′E / 40.750°N 17.317°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Apulia |
Kalakhang lungsod | Bari (BA) |
Pamahalaan | |
• Mayor | Tommaso Scatigna |
Lawak | |
• Kabuuan | 48.19 km2 (18.61 milya kuwadrado) |
Taas | 410 m (1,350 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 14,190 |
• Kapal | 290/km2 (760/milya kuwadrado) |
Demonym | Locorotondesi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 70010 |
Kodigo sa pagpihit | 080 |
Santong Patron | San Roque/San Jorge |
Saint day | Agosto 16/Abril 23 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Locorotondo ay nakatala bilang isa sa pinakamagagandang nayon sa Italya.[3]
Kasaysayan
baguhinAng pook ay tintirhan na mula pa noong sinaunang panahon, na pinatotohanan ng mga arkeolohikong nahanap mula pa noong ika-3 at hanggang ika-7 siglo BK. Ang pundasyon ng bayan ay nagsimula sa bandnang 1000 AD bilang isang nayong walang proteksiyon sa ilalim ng Benedictinong monasteryo ng San Estaban sa Monopoli. Ari-arian ng iba't ibang panginoong piyudal sa loob ng 500 taon, naranasan ng nayon ang pagtaas ng populasyon, pagpapaunlad ng pabahay, at pagtatayo ng mga pader at kastilyo. Ang pamilyang Caracciolo, mga Duke ng Martina Franca at ang mga huling panginoong piyudal, ay nanatili sa Locorotondo hanggang sa simula ng ika-19 na siglo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Italyano) "The Most Beautiful Villages of Italy" Naka-arkibo 2012-11-01 sa Wayback Machine.
Mga panlabas na link
baguhin- (sa Italyano) Comune di Locorotondo
- Cantina Sociale del Locorotondo Naka-arkibo 2020-12-04 sa Wayback Machine. (multilingual)
- (sa Italyano) Ang Pinakamagagandang Baryo ng Italya Naka-arkibo 2012-11-01 sa Wayback Machine.