Loida Nicolas-Lewis

Si Loida Nicolas Lewis (ipinanganak 1942) isang Filipino-Amerikanong negosyante, pilantropo, pinunong sibiko, autor, tagapagsalita, manunulat at abogado.

Loida Nicolas Lewis
Kapanganakan
Loida Nicolas

1942 (edad 82–83)
NasyonalidadAmerikanong Pilipino
Trabahonegosyante, pinunong sibiko, motivational speaker, autor, at abogado.
AsawaReginald F. Lewis (namatay 1993)

Mga unang taon

baguhin

Ipinanganak sa Lungsod ng Sorsogon, Pilipinas, si Lewis ay may tatlong kapatid. Ang kanyang ama na si Francisco J. Nicolas ang nagtayo ng isa pinakamalaking pagawaan ng muwebles, ang Nicfur. Isa din siyang Katoliko. Nag-aral siya sa St. Agnes Academy (dati, Academia de Sta. Ines), an pinakaunang paaralang katoliko sa Albay, Pilipinas. Nagtapos si Lewis sa kolehiyo na cum laude sa St. Theresa's College na isang Katolikong pambabaeng pribadong paaralan sa Manila. Nag-aral din siya Unibersidad ng Pilipinas.

Bilang negosyante

baguhin

Sa propesyon na isang abogado, isa si Loida sa aktibong lider sa mamamayang Filipino sa Estados Unidos. Siya ang may pambihirang rekord na pinakaunang Asyanong babae na nakapasa sa New York State bar na hindi nag-aral ng batas sa Amerika. Bilang negosyante, naluklok siyang numero Uno sa sinasabing "Top 50 Women Business Owners in America" ng magasin na Working Woman noong taon 1994.[1]

Pinaniniwalaang na may asset siya na $600 milyon at isa sa pinakamayaman na Fil-Amerikano.[1][2]

Siya ang chairman at CEO ng TLC Beatrice International Holdings, Inc., isang 2-bilyon-dolyar na korporasyon ng 64 kompaniya na nakabase sa 31 na bansa. Ang TLC marketer ng sorbetes sa Espanya, sa Kapuluang Canarias, anng nangunguna na pagawaan ng potato chips sa Irlandya at tagapagbahagi ng mga inumin sa Netherlands, Belgium, Pransya, at Tailandya.[1]

Si Loida Nicolas-Lewis na isang manlalakbay na masyado, mahusay magsalita ng Ingles, Pranses, Espanyol, Tagalog at Bikol.

Mga panlabas na kawing

baguhin
  • [1] Pabisto ki Loida Nicolas-Lewis. Kinua 02-06-14
  • [2] Interbyu ki Loida Nicolas-Lewis. Kinua 02-06-14
  • [3] YouTube. Interbyu ki Loida Nicolas-Lewis. Kinua 02-06-14

Sangunian

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.